You are on page 1of 2

Ika-23 ng Hulyo, 2019

AIGRETTE P. LAJARA
Punong Barangay
Bgy. Makiling, Lungsod ng Calamba

Kapitana Lajara,

Pagbati ng Kapayapaan!

Batid po namin ang mga pabatid at pag-iingat na ipinatutupad sa ating Barangay Makiling at
ang Makiling Integrated School ay kaisa sa pagsuporta sa mga pagsisikap na ito na maiwasan
ang lumalaganap na sakit.

Ngunit ang paaralan po ay nakatatanggap ng mga hiling mula sa mga magulang para sa
pagre-release ng Report Cards at Katibayan ng Pagtatapos sapagkat gagamitin ito ng ating
mga mag-aaral sa paglipat ng paaralan, pagpapa-enroll sa kolehiyo at paghahanap ng
trabaho.

Kaugnay po nito ay nais po sana naming humingi ng pahintulot at tulong mula sa inyong
tanggapan upang maisakatuparan namin ang gawaing ito.

Nagtakda po kami ng dalawang araw na Release of Report Cards sa July 30 at August 3, 2020
at ito po ay limitado lamang sa mga Grade 12 para sa magkokolehiyo at sa lower grades na
lilipat ng ibang paaralan.

Kalakip po ng liham na ito ay ang talatakdaan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga
magulang. Makaaasa din po kayo na paiiralin namin ang mga safety protocols tulad ng social
distancing, pagsusuot ng face mask, pagkuha ng temperature at pag-provide ng alcohol o
mga disinfectants.

Maraming salamat po at nawa’y pagpalain kayo ng Maykapal!

Lubos na Gumagalang,
Panukalang Talatakdaan sa Pag-release ng Report Cards

Petsa Oras Baitang Nakatalagang


Guro
Hulyo 30, 2020 8:00-12:00 nn Grades 11 and 12
Hulyo 30, 2020 1:00-4:00 pm Grade 10
Hulyo 30, 2020 1:00-4:00 pm Grade 9
Agosto 3, 2020 8:00-12:00 nn Grade 8
Agosto 3, 2020 8:00-12:00 nn Grade 7

Paalala:
Ang panukala pong ito ay para lamang sa mga lilipat ng paaralan, magkokolehiyo at
maghahanap ng trabaho.

You might also like