You are on page 1of 2

Christian Jade T.

Perales 6/9/2023 ABM 12-Virgo

IBALIK ANG NAKASANAYAN NA TAONANG-ARALAN

Ang nakasanayang taonang-aralan sa mga pampublikong paaralan ay

nagsisimula sa Hunyo at nagtagapos sa Marso. Subalit, dahil sa pandemya, nag-iba

ang taonang-aralan at ito ay naging Agosto hanggang Hunyo. Dahil sa mga

problemang dala ng pagbabagong ito, sang-ayon ako sa pagbabalik ng

nakasanayang taonang-aralan.

Dahil sa pagbabago ng taonang-aralan, maraming mga buwanang programa

at pagdiriwang ang hindi na natatangkilik katulad ng Buwan ng Wika, Nutrition

Month, at intramurals. Ang buwan ng wika ay pinagdiriwang tuwing Agosto.

Ngunit, dahil sinimulan ang pasukan sa katapusan ng agosto, hindi naganap ang

mga pagdiriwang sa Hulyo at Agosto.

Isa rin sa mga problema na hinaharap ng mga mag-aaral at guro ay ang

matinding init. Kabilang sa tag-init ang buwan ng Mayo at dahil dito, matindi ang

init na nararanasan ng mga mag-aaral at guro. Ayon sa mga datos ng isang survey,

86% ng mga respondente ay nagsasabi na hindi matiis ang init. Nakasaad rin sa

datos na 75% ng mga respondente ay may 30 hanggang 60 na bilang ng mga mag-

aaral bawat silid aralan (Malipot, 2023).


Christian Jade T. Perales 6/9/2023 ABM 12-Virgo

Bukod pa rito, ang pagbabalik ng nakasanayang taonang-aralan ay

makatutulong sa mga mag-aaral. Maikli lamang ang pahinga na matatanggap ng

mga magtatapos na mag-aaral sa senior high dahil sa Agosto agad ang kanilang

pasukan at sa Hulyo ang kanilang graduation. Kung ang nakasanayang taonang-

aralan ang ginagamit ngayon, mas mahaba pa ang pahinga ng mga estudyante.

Sa kabuoan, dapat nating isulong ang pagbabalik ng nakasanayang taonang-

aralan para mapaayos ang pag-aaral ng mga estudyante. Maayos na ang pag-aaral

noon kaya dapat lamang na ipaglaban ang pagbabalik ng nakasanayang taonang-

aralan. Hindi man madali ang pagbabalik ngunit ito ay kailangan para sa kabutihan

ng ating mga mag-aaral at guro.

You might also like