You are on page 1of 1

Colegio De Sta.

Teresa De Avila

L YAG Setyembre 10,2022

EDITORYAL

FACE TO FACE
Examination Tuloy
na Tuloy na !
Sa susunod na Linggo ang itinakdang
araw ng Pre-lim examination sa
sintang paaralan, n'unit handa na nga
ba ang lahat?

Nagagalak ang karamihan dahil sa


loob ng 2 taon ay makakabalik ulit ang
mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan
sa darating na linggo para sa Face-to-
Face Examination. Ngunit ang ilang
mga mag-aaral ay nababahala dahil
nariyan pa rin ang banta ng
pandemaya sa ating paligid.

Kasabay ng pag-aalala ng mga mag-aaral at kanilang magulang sa banta ng pandemya ay tila nag-aalala rin ang mga
mag-aaral sa ating sintang paaralan na mga working student dahil hindi ito naayon sa iskedyul ng kanilang trabaho.
Ang Ilan sa kanila ay problemado sa darating na pagsusulit dahil hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin dito.
Hinihiling nila na sana sa darating na linggong ito ay magkaroon ng iba pang paraan nasila ay makakuha din ng
pagsususlit ng hindi na pupunta sa paaaralan. kagaya ng kanilang nakagawian noong nasa kalagitnaan ng pandemya.
Inaasahan ng mga mag-aaral na magbibigay ng pahayag ang paaralan bago pa man sumapit ang nakatakdang
pagsusulit.Gayunpaman, nakahanda na ang paaralan sa posibilidad ng pagdagsa ng mga mag-aaral sa darating na
linggo at tinitiyak nito na magiging ligtas ang bawat isa sa loob ng paaralan kasabay ng kanilang pagpapatupad ng
mga alituntunin upang makaiwas sa kinatatakutang virus na hanggang ngayon ay nasa ating kapaligiran .

You might also like