You are on page 1of 1

Name: Arlen Sigrid L.

Rabino
Grade 12 STEM St. Erasmus

Simula ng pilot face-to-face classes 

Talaga bang handa ang lipunan na muling buksan ang mga paaralan upang
maibalik ang karaniwang face-to-face classes? 
Inihayag ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Education na
patuloy ang kanilang pag-aaral kung posible bang bumalik sa face-to-face classes
kahit may banta pa rin ng coronavirus lalo na ang mas nakakahawa nitong Delta
variant. 
Ngunit habang isinasagawa ang pag-aaral, mayroon nang mga lokal na
paaralan na sinasabing angkop na bumalik sa face-to-face classes ngunit sa
limitadong paraan o limitadong face-to-face classes
Sa buong bansa, 120 paaralan ang sinasabing natukoy bilang mga potensyal
na pilot school para gawin ito ngayong susunod na pagbubukas ng klase sa
Nobyembre 2021. Gayunpaman, kailangan pa rin itong pag-aralan ng maigi at
mangangailangan din ng pag-apruba mula sa pangulo ng bansa. 
Mula nang tumama ang pandemya sa bansa noong nakaraang taon, labis na
naapektuhan ang edukasyon ng mga bata dahil sa pagsasara ng kanilang mga
paaralan upang ilayo ang mga bata sa Covid-19 virus.
Maging ang basic education ng mga bata sa nursery, kindergarten, primary,
at elementary ay ginagawa na sa pamamagitan ng online o blended learning sa
pamamagitan ng internet, modular, telebisyon at radyo. 
Maraming magulang ang nagrereklamo tungkol dito dahil naniniwala silang
walang natutunan ang kanilang mga anak sa sistemang ito. 
Pero dahil hindi naman pwedeng bawian ng basic education ang mga bata
kahit kumbinsido silang tumugon dahil bawal din magklase ang mga pampubliko
at pribadong paaralan. 
Napakahalaga ng edukasyon para sa mga nakababatang henerasyon ngayon.
Sana maging matagumpay ang bagong paraan sa pagtuturo na ipinakilala ng
DepEd at makasabay ang mga bata. Kailangang matuto ang mga bata lalo pa’t
nakaharap ang banda sa isang pagsubok sa pandemya; ang Covid-19.

You might also like