You are on page 1of 2

August 20, 2020

Mahal Kong Mga Magulang,

Purihin si Hesus at Maria.

Magandang araw sainyong lahat na ngayon ay nagbabasa ng liham na ito. Ikinagagalak ng aking puso na
sa kabila ng dinaranas na pandemya ay hindi ito naging balakid upang maihinto ang pagkatuto ng mga
bata.
Para sa taong ito, ako si Bb. Sheena Mae T. Gracilla ang magiging Gurong Tagapayo ng inyong mga anak
sa pangkat na Mary, Mother of Redeemer. Nais ko lamang ipaalam sa inyo mga mahal kong magulang na
sana ay magtulong tulong tayo para sa pagkatuto ng inyong mga anak. Bagamat kami ay hindi
magkakasama sa isang silid aralan atin namang dadalhin ang silid aralan sa inyong bahay bahay.
Sa sulat na ito ay nais kong ipaalam sa inyo ang mga sumusunod na mahahalagang palatuntinin para sa
pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24, 2020:
1. Ang seksyon ng inyong anak ay mahahati sa dalawang grupo. Ang pagkakahati ng grupo ay
GRUPO A at GRUPO B. Ang bawat grupo na ito ay mayroong magkaibang iskedyul na susundin
para sa kanilang synchronous (online/ virtual) at asynchronous (offline/modular) na klase. Ang
iskedyul ng grupo a at grupo b ay mag iiba sa pangalawang semester ng taon.
2. Ang ating paaralan ay regular na magkakaroon ng pang-umagang panalangin, pag-eehersisyo, at
oras ng pagpapayo na magsisimula sa oras na 7:00am – 7:30am.
3. Ang iskedyul ng parehong grupo upang malaman kung saan kabilang ang inyong anak ay ipadadala
sa kanilang GMAIL account.
4. Narito ang mga pangalan ng guro na makakasama ng inyong anak sa kanilang taon bilang nasa
Ika-siyam na baiting.

English – Bb. Sheena Mae T. Gracilla


Filipino – Gng. Leah Ibay
Math – Bb. Princess Uy
Araling Panlipunan – G. Joselito Bautista
ICT – G. Joselito Bautista
Science – Bb. Jovie Lascano
MAPEH – G. Orlan Jamias
LIP – Bb. Fatima Jandoc
Christian Living – G. Joseph Halili
TLE – G. Larry Mendonez
5. Ang mga mag-aaral ay inaasahan na dumalo sa kanilang Revitalized Homeroom Guidance
Program (RHGP). Kung maaari ay tignan ang iskedyul upang makita ang tinutukoy sa bilang na ito.
6. Ang mga modyul ay maaaring makuha sa paaralan (St. Mary’s Academy). Maaari ninyong tignan
ang iskedyul ng inyong pagkuha sa sulat na mula sa direktres ng paaralan. Pansamantala ay
magpapadala ng e-copy habang inaantay ang lahat ng modyul na matapos sa pag iimprenta.
7. Ang application na gagamitin para sa online class ay GOOGLE MEET. Kaya hinihikayat ko kayong
idownload ang aplikasyon na ito sa mga gadget ng mga bata. Isabay na rin idownload ang
GOOGLE CALENDAR upang inyong makita ang magiging klase ng inyong mga anak. Ang mga link
ng lahat ng subject ay ipa-plot ng gurong tagapayo sa google calendar upang maiwasan ang
magulo at di sistematikong pagbibigay ng link at pagkalito.
8. HULI, inaasahan ko ang inyong kooperasyon na sa tuwing ang inyong anak ay nasa iskedyul ng
asynchronous, mga mahal kong magulang bilang kaagapay sa pagkatuto ng mga bata na sana ay
inyong tulungan at gabayan sila na panatalihing lagging tapos ang mga ibinibigay na gawain.

Kung mayroon man kayong katanungan ay maaari kayong magpadala ng mensahe sa aking email
nasheetrinidad@gmail.com o kaya ay sa viber gamit ang numerong ito 0961-2061-717.

Muli tayo ay magtulungan para sa isang makabaluhan at matagumpay na pagkatuto ng ating mga anak
para sa taong ito. Hinahangad ko ang inyong kaligtasan sa araw-araw.

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Maykapal.

Gumagalang,
Bb. Sheena Mae T. Gracilla
Gurong Tagapayo

You might also like