You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MABALOR-CATANDALA INTEGRATED SCHOOL
CATANDALA, IBAAN, BATANGAS

NAME : __________________________________ DATE : ________________

GRADE & SECTION : __________________ SCORE : _______________

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


SA ESP 9

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na mga elemento ng kabutihang panlahat ang nagsasaad na ang lahat
ng mga namumuno at pinamumunuan sa loob ng isang lipunan ay obligadong gumalang sa
mga pangunahing karapatan ng bawat tao?

A. Pagrespeto sa Kapwa B. Kapayapaan

C. Pagpapaunlad sa lahat ng tao D. Pagkakaisa

2. Ayon sa element ng kabutihang panlahat na ito, inaasahang ang mga itinalagang mamuno
sa lipunan ay magkaroon ng tunay na hangaring magampanan ang kanilang obli9gasyon
sa pagkakamit at pagpapanatili ng kapanatagan at seguridad ayon sa tawag ng
katarungan.

A. Pagrespeto sa Kapwa tao B. Kapayapaan

C. Pagpapaunlad sa lahat ng tao D. Pagkakaisa

3. Alin sa sumusunod na mga elemento ng kabutihang panlahat ang nagsasaad na


inaasahang ang mga namumuno ay makapagpapasiya at makapipili, alinsunod sa konsepto
ng kabutihang panlahat, ng mga gawaing magbibigay sa bawat indibidwal ng
pagkakataong makapamuhay bilang isang ganap na tao.

A. Pagrespeto sa Kapwa tao B. Kapayapaan

C. Pagpapaunlad sa lahat ng tao D. Pagkakaisa

4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng kabutihang panlahat?

A. Pagrespeto sa Kapwa tao B. Kapayapaan

C. Pagpapaunlad sa lahat ng tao D. Pagkakaisa

Address: Catandala, Ibaan, Batangas


 09672965577 / 09929000650
 mabalorcatandala12@gmail.com
 DEPED Tayo Mabalor-Catandala Integrated School 501016
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MABALOR-CATANDALA INTEGRATED SCHOOL
CATANDALA, IBAAN, BATANGAS

5. Sina Anna at Roan ay matalik na magkaibigan. Sa tuwing dadalaw si Anna sa bahay ng


kaniyang kaibigan, hindi muna nagluluto ng karneng baboy ang nanay ni Roan dahil alam
nilang bawal sa relihiyon nina Anna ang pagkain ng karneng baboy. Alin sa mga elemento
ng kabutihang panlahat ang ipinakikita sa sitwasyon?

A. Pagrespeto sa Kapwa tao B. Kapayapaan

C. Pagpapaunlad sa lahat ng tao D. Pagkakaisa

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Kilalanin kung anong katangian ng ekonomiya ang
isinasaad ng bawat bilang. Piliin ang kasagutan sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot bago ang bawat bilang.
A. Natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan

B. Pagpapatayo ng mga istraktura at napapabilis ang kumunikasyon at


transportasyon

C. Nakapagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga mamamayan

D. Napapaunlad ang turismo sa bansa

E. Pantay-pantay na Karapatan at pribilehiyo para sa lahat

6. Lumikha ng mas marami pang Livelihood Projects si Governor Arellano para sa mga
mamamayan sa kanilang lalawigan.

7. Dahil sa tuloy-tuloy na pagpapaganda at pagsasaayos ng mga Tourists Spots lalong


makikilala ang bayan ng Calatagan.

8. Sa panahon ng pandemya, prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan at kaligtasan ng


bawat mamamayang Pilipino.

9. Bilang alkalde ng bayan, sinisikap ni Mayor Martinez na nabibigyang pansin ang


pangangailangan ng mga mamamayan.

10. Kapansin-pansin ang mabilis na pagsasaayos ng mga nasirang tulay matapos ang bagyo.
Ito ay dahil sa pagkakaroon ng malasakit ng mga namumuno para sa kanilang mga
nasasakupan.

Address: Catandala, Ibaan, Batangas


 09672965577 / 09929000650
 mabalorcatandala12@gmail.com
 DEPED Tayo Mabalor-Catandala Integrated School 501016
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MABALOR-CATANDALA INTEGRATED SCHOOL
CATANDALA, IBAAN, BATANGAS

III. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit sa iyong sagutang papel ang masayang
mukha kung ito ay nagsasaad ng pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat at pagpapairal
ng magandang dulot ng ekonomiya, iguhit naman ang malungkot na mukha kung hindi.
11. Ipinaubaya ni Jenny sa kaniyang nakababatang kapatid ang pagdalo sa pagpupulong para
sa Educational Tour ng kanilang paaralan

12. Hindi ipinagtapat ni Angelito ang totoong dahilan kung bakit wala siyang naipasang
proyekto sa kaniyang guro dahil ayaw niyang mapahiya sa harap ng kaniyang mga kaklase.

13. Pinamunuan ni Arman ang Coastal Clean Up sa kanilang barangay.

14. Patuloy na hinihikayat ang bawat mamamayang Pilipino na makiisa sa pagpapabakuna


kontra COVID-19.

15. Hindi maiwasan ni Paul ang makaramdam ng pagka inggit sa kaniyang kapatid dahil sa
atensiyon na ibinibigay ng kanilang mga magulang dito.

16. Dumarami ang bilang ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.

17. Tiniyak ng mga namumuno ang pagkakaroon ng mas madaming trabaho at oportunidad
para sa mga mamamayan.

18. Mahigpit na ipinatutupad ni Kapitan Henry ang peace and order sa kanilang barangay.

19. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 3.6% na ang unemployment
rate sa bansa.

20. Malaking tulong para sa mga mamamayan ng Maynila ang ipinatayong bagong ospital ng
kanilang alkalde.

IV. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay katotohanan at
ekis (x) kung hindi.

21. Kahit wala ang lipunang pulitikal kaya pa ring makamtan ang kapayapaan at matiwasay na
pamumuhay sa isang baryo o lungsod.

22. Ang prinsipyo ng subsidiarity ay tinatawag na “secondary importance”

23. Ang pamilya ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na
magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan.

Address: Catandala, Ibaan, Batangas


 09672965577 / 09929000650
 mabalorcatandala12@gmail.com
 DEPED Tayo Mabalor-Catandala Integrated School 501016
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MABALOR-CATANDALA INTEGRATED SCHOOL
CATANDALA, IBAAN, BATANGAS

24. Ang tungkulin ng pamahalaan ay matulungan ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila

25. Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay nagbibigay diin sa kabutihang panlahat, tungkulin,


kooperasyon, at pagkakapantay-pantay.

V. PANUTO: Tukuyin at isulat sa patlang ang ‘ Tama’ kung ang sitwasyon, o pahayag ay kakikitaan ng
pagiral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa. ‘ Mali’ naman kung Ito ay hindi mo
sinasang-ayunan.
26. Kayang mabuhay ng isang tao na mag-isa.

27. Nagiging matagumpay ang isang mamamayan kung may pagkakaisa.

28. Hindi kailangang maging malinaw ang hangarin ng isang tumatakbong kandidato.

29. Kapag bumagsak ang ekonomiya ng isang bansa, walang ibang dapat sisihin kundi ang
nasa pamahalaan.

30. Alam ni Ana na tama ang kanyang nagging desisyon dahil ito ay ayon sa mabuti.

VI. Panuto: Sagutin ang tanong o bigyang paliwanag ang mga pahayag sa ibaba. Sikaping ilahad ang mga
kasagutan ng hindi hihigit sa limang pangungusap. Gamiting batayan sa pagsasagot ang
pamantayan sa pagmamarka.

31-35. Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pahayag na ito?

Address: Catandala, Ibaan, Batangas


 09672965577 / 09929000650
 mabalorcatandala12@gmail.com
 DEPED Tayo Mabalor-Catandala Integrated School 501016
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MABALOR-CATANDALA INTEGRATED SCHOOL
CATANDALA, IBAAN, BATANGAS

36-40. Bakit mayroong Prinsipyo ng Pagkakaisa at Prinsipyo ng Subsidiarity? Ipaliwanag ang


iyong kasagutan.

Inihanda ni:

NICOLE L. TANYAG
Guro I

Nilagdaan ni:

MA. VERONICA C. ROXAS


Punongguro I

Address: Catandala, Ibaan, Batangas


 09672965577 / 09929000650
 mabalorcatandala12@gmail.com
 DEPED Tayo Mabalor-Catandala Integrated School 501016

You might also like