You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 9

Pangalan: Iskor: ________________


Pangkat bilang: Petsa:________ Lagda ng Magulang:
___________

Panuto: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA PATLANG. (Capital Letters Only)
1. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
A. ang lahat ay magiging masunurin
B. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
C. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
D. walang magmamalabis sa lipunan
2. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ano?
A. Obligasyong Moral C. Karapatang Moral
B. Likas na Batas Moral D. Moralidad
3. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit
4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?
• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatang magpakasal D. Karapatang maghanapbuhay
5. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umaangat ang karera at maitaas ang antas ng
pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang maghanap buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
6. Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo C. Pagpatay sa sanggol
B. Iligal na pagmimina D. Diskriminasyong pangkasarian
7. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga kriminal o
nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito
ayon sa kanyang kalooban.
8. Si Chloe Jade ay sang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang
supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang
mamamayan.
9. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer
B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
C. Isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya.
D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang
10. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.
A. pag-iisip ng pagsisisi B. pananagutan C. damdamin ng pagsisisi D. pagmumuni

Dalmacio-Pablo Carpio National High School


(formerly San Miguel National High School)
San Nicolas, San Antonio, Zambales
301032 @deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

11. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa ______________.


A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makalamang at makasakit ng kapuwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
12. Ito ang batas na huwaran ng banal na karunungan na siyang gumagabay sa lahat ng kilos at galaw.
A. Eternal Law B. Natural Law C. Natural Moral Law D. Human Law
13. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay katuturan dito. Sa
pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa ____________.
A. nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao.
B. nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.
C. nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan.
D. napagyayaman ang pagiging makasarili
14. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa __________.
A. Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa
B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan
C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya
D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan
15. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
C. Mataas na tiwala sa sarili
D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
16. Laging sinasaktan ni Marlon ang kaniyang asawa kahit sa konting pagkakamali nito. Anong karapatang pantao ang
nalalabag?
A. Pagkitil ng buhay ng sanggol.
B. Pagmamaltrato sa mga bata.
C. Pang-aabuso at hindi tamang pagtrato sa kababaihan.
D. Hindi pagpansin sa mga may kapansanan.
_______17. Ayon sa kanya, ang batas ay ay isang direktibang obligado o obligasyon na may pangkalahatan at matatag na
katangiang gabayan ang kilos ng tao tungo sa huling layunin.
A. Sto. Thomas de Aquino B. Karl Marx C. Max Scheler D. Jean Piaget
18. Ito ang batas na gumagabay sa inang kalikasan.
A. Eternal Law B. Natural Law C. Natural Moral Law D. Human Law
19. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng paggawa MALIBAN sa:
A. Ang tao ay gumagawa upang may magamit para sa kaniyang mga pangangailangan.
B. Makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng teknolohiya at siyensiya.
C. Makatutulong ang paggawa sa pansariling kagustuhan.
D. Maisulong ang tradisyon, paniniwala, kaugalian at etika ng pamayanan.
20. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?
A. Sumali si Tala sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang
barangay.
B. Si Melanie ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang
makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.
C. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Yurie na maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang
pangulo ng Student Council.
D. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Mark Ivan, hindi niya nakakaligtaang magbahagi ng kanyang
donasyon maliit man ito o malaki basta’t ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa na nangangailangan.
21. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
A. Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
B. Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
C. Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
D. Upang magampanan ang mga tungkulin

Dalmacio-Pablo Carpio National High School


(formerly San Miguel National High School)
San Nicolas, San Antonio, Zambales
301032 @deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

22. Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa nang may pagmamahal sa kapuwa at sa kaniyang lipunan.
A. Pakikilahok C. Paglilingkod
B. Bolunterismo D. Pananagutan
23. Tunay ngang naiaangat ang antas ng pagpapahalaga sa paglilingkod kung _____________.
A. May hinihintay na kapalit C. Nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural at moral ng lipunan.
B. Ito ay pagpapalipas lamang ng oras D. Naglilingkod upang makilala ang sarili
24. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na
pagbabahagi ng kayamanan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
B. naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
C. mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
D. maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
25. Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?
A. Tumulong nang may kapalit C. Tumulong sa iba upang maging sikat
B. Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok D. Tumulong nang taos-puso
26. Ano ang kaakibat ng karapatan na ibinigay sa tao?
A. Kapangyarihan C. Tungkulin
B. Kayamanan D. Katanyagan
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagtupad sa tungkulin upang mapangalagaan ang karapatan?
A. Paggalang sa dignidad ng bawat tao C. Paggamit ng pribilehiyo
B. Pagsunod sa batas D. Pagmamalasakit sa lahat ng may buhay
28. Ano ang ibinigay sa tao kahit hindi niya hiningi na kabalikat ay tungkulin?
A. Karapatan C. Kayamanan
B. Kapangyarihan D. Kapanatagan
29. Inililibre ni Peter ng pagkain ang mga kaklase gamit ang perang napanalunan sa sugal.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
30 Ang batas na ito ay taglay na ng tao mula ng siya ay likhain.
A. Karapatan C. Batas Moral
B. Kapangyarihan D. Likas na Batas Moral
31, Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan sa _______.
A. pribadong ari-arian C. bumili ng mga ari-arian
B. mag-impok sa bangko D. umangkin ng ari-arian
33. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa
kainan.
34. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho o komportableng
pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang ________________.
A. magtrabaho o maghanap buhay. C. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay.
B. pumunta sa ibang lugar. D. mag-abroad
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa apat na uri ng batas ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Eternal Law B. Natural Law Moral Law C. Civil Law D. Natural Law
36. Kailan mo masasabing HINDI MABUTI ang iyong ginagawa?
A. Pag nakabatay ito sa layon ng tao sa kaniyang kapuwa maging sa kaniyang mga ginagawa.
B. Kung paano nag-iisip ng maayos ang tao sa kaniyang kapuwa, nakapagbabalanse ng mga bagay-bagay.
C. May malinis at dalisay na puso sa kaniyang kapuwa.
D. Pag ang pagpapasiya ay nakabatay sa angkop na panahon, lugar, tao, sitwasyon, dahilan at paraan.
37. Sinisikap ni Jomer na gawin sa abot ng kaniyang makakaya ang mga trabaho na nakaatang sa kaniya upang
matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Tama ba ang ginawa ni Jomer?

Dalmacio-Pablo Carpio National High School


(formerly San Miguel National High School)
San Nicolas, San Antonio, Zambales
301032 @deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DALMACIO-PABLO CARPIO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS, SAN ANTONIO, ZAMBALES

A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Hindi sigurado


38. Ito ay gawain ng tao na maaaring ginagamitan ng pisikal o mental na lakas na naglalayon na makabuo ng isang
produkto na makatutulong sa pag-unlad.
A. Paggawa B. Pagtulong C. Bolunterismo D. Kabutihan
39. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng paggawa MALIBAN sa:
A. Ang tao ay gumagawa upang may magamit para sa kaniyang mga pangangailangan.
B. Makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng teknolohiya at siyensiya.
C. Maisulong ang tradisyon, paniniwala, kaugalian at etika ng pamayanan.
D. Makatutulong ang paggawa sa pansariling kapakinabangan.
40. Ito ay mga responsibilidad na ibinigay sa tao upang kaniyang gampanan nang may kasiglahan tungo sa kaayusan ng
nakararami.
A. Paggawa B. Pagtulong C. Bolunterismo D. Pakikilahok
41. Ito ay ang paggawa na bukal sa loob at hindi napipilitan lamang. Isa ito sa mga paraan ng pagpapakita ng malasakit
sa kapuwa.
A. Paggawa B. Pagtulong C. Bolunterismo D. Pakikilahok
42. Nagbabayad ng buwanang membership fee ang pamilya ni Kurt sa kanilang subdibisyon sapagkat ito ay ibinabayad
sa mga gastusin ng kanilang lugar. Ang pangungusap ay:
A. Paggawa B. Pagtulong C. Bolunterismo D. Pakikilahok
43. Saang batas nabibilang ang Civil Law ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Eternal Law B. Natural Law Moral Law C. Human Law D. Natural Law
44. Ilan sa importansya ng pakikilahok ay ang ang mga sumusunod MALIBAN sa:
A. Maisagawa ang mga tungkulin na makapagpupuno sa mga pangangailangan ng pamayanan.
B. Maging kabahagi ng isang adhikain na kinakikitaan ng sama-samang paggawa.
C. Makatulong sa pagpapalaganap ng kabutihan na naibabahagi ang sarili sa kapuwa.
D. Makatutulong upang makakuha ng mga bagay para sa sarili.
45. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pakinabang sa tao ng pagsasakatuparan ng bolunterismo MALIBAN sa:
A. nagbibigay ito ng kagalakan sa taong gumagawa;
B. napauunlad ang kaniyang sarili;
C. nagiging bahagi ng kaayusan at kabutihan ng pamayanan
D. nagdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa isa’t-isa.
46. Dumadalo sa mga pagpupulong si Marra sa samahan ng mga kabataan sa kanilang barangay. Ang pangungusap ay
halimbawa ng ?
A. Paggawa B. Pagtulong C. Bolunterismo D. Pakikilahok
47. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa __________.
A. Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa
B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan
C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya
D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangapaggawa.
48 Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan C. Mataas na tiwala sa sarili
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
49. Ang aborsiyon ay paglabag sa anong karapatang pantao?
A. Karapatang Mabuhay C. Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian
B. Karapatan sa Pananampalataya D. Karapatang magpakasal
50. “Ang tao ay mabubuhay ng sarili lamang” Ang pangungusap ay?
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Hindi sigurado

Prepared by: Reviewed and Checked by: Noted:


Ellen Joy M. Dalit Catherine B. Fontillas Emelyn C. Lacerona
Teacher-I Head Teacher-I Principal-I

Dalmacio-Pablo Carpio National High School


(formerly San Miguel National High School)
San Nicolas, San Antonio, Zambales
301032 @deped.gov.ph

You might also like