You are on page 1of 5

FIRST UNITED METHODIST CHURCH

ECUMENICAL SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 8


Pangalan :_______________________________________________ Petsa :_____________
A.PANUTO: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1._________________________Konstitusyon 1987: ArtikuloXIV, Seksyon 6,ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino.
A. Alinsunod sa
B. Ayon sa
C. Batay sa
D. Sang-ayon sa

2.________________________ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandatasa pagharap sa kanilang kinabukasan.
A. Sa aking akala
B. Sa aking pananaw
C. Sa aking paningin
D. Sa aking paniniwala

3. ________________________ dapat pagtuunan ng panahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating
kalikasan.
A. Inaakala kong
B. Iniisip kong
C. Pinagtitibay kong
D. Pinaniniwalaan kong
4. ________________________tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, "Habang may sariling wika ang isang bayan,
talagay nito ang kalayaan."
A. Alinsunod sa
B. Ayon sa
C. Batay sa
D. Sang-ayon sa

5. ________________________mabuti na ngang nalalaman ng mga mamamayan ang mga


anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang gayo'y masuri nila kung sino ang karapat-dapat
na ihalal para mamuno rito.
A. Sa isang banda
B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako
D. Samantala
FIRST UNITED METHODIST CHURCH
ECUMENICAL SCHOOL

B. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.

1. Ang radyo at telebisyon ay maituturing na mahalagang midyum sa larangan ng.


A. broadcast media
B. internet
C. media
D. telekomunikasyon

2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kung paano nakatutulong ang mga
dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
A. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu.
B. Naisisiwalat ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
C. Nakatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na
maging epektibong tagapagsalita.
D. Natatalakay ang iba’t ibang panig ng isang isyu.

3. Ito ang nagbunsod upang mabuo ang telebisyon na higit na nagbibigay- kulay
at buhay sa mga pangyayari.
A. koloniyalisasyon
B. modernisasyon
C. sibilisasyon
D. telekomunikasyon

4. Ang programang kinagigiliwan at inaabangan ng lahat, binubuo ito ng


mga tauhang gumaganap sa isang kuwento.
A. Drama
B. Magazine Show
C. Morning Show
D. Variety Show

5. Ang pangunahing layunin ng dokumentaryong pantelebisyon ay


gisingin ang ng mga manonood tungkol sa isyung panlipunan
sa bansa.
A. kamalayan
B. kaugalian
C. pagkatao
D. sarili
FIRST UNITED METHODIST CHURCH
ECUMENICAL SCHOOL

C. PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang tamang sagot
at isulat sa patlang

Councilor John Ansel de Guzman 60% Sen. Manny Pacquiao 82%


Corporal punishment UNICEF House Bill 4455

6 na buwan ₱ 1000

1. Ang iba pang tawag sa pananakit bilang paraan ng pagdidisiplina.


2. Ang bilang ng poryento ng bata sa Pilipinas na nakararanas ng
pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
3. Ang halaga ng multa kung sakaling lalabag sa nasabing batas.
4. Ang batas na isinusulong sa kongreso na nagbabawal ng
corporal punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina.
5. Ang naghain ng ordinansa kung saan maaring makulong ang
magulang, guro, yaya, guardian at ibang nakatatanda kapag sinaktan nila ang bata
bilang pagdidisiplina.

D.PANUTO: Suriin ang binasang akda ayon sa sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.

1. Maraming isyu ang tinatalakay sa akdang binasa ngunit ito


ang maituturing na pinapaksa nito.
A. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
B. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
C. pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment sa mga bata
D. pagpapaliwanag sa resulta ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata
2. Ang pangunahing layunin kung bakit nasulat o naiulat ang
balitang binasa upang .
A. mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa
B. ipaalam sa mga bata ang kanilang mga karapatan
C. mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batangPilipino
D. mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang pagamit ng
corporal punishment
3. Ang layon na higit na nangibabaw sa binasang akda.

A. nangangaral C. namumuna
B. nagpapabatid D. nagsasalaysay
FIRST UNITED METHODIST CHURCH
ECUMENICAL SCHOOL

4. Ito ang positibong epekto na maaring mangyari sa


kalagayan ng mga bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang
House Bill 4455.
A. itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa kabataan
B. higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
C. higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
D. higit na magiging mabuting mamamayang Pilipino ang batang
di nakaranas ng corporal punishment
5. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang
porsiyento ng mga bata sa Pilipinas na nakararanas ng pisikal na pananakit
sa kamay ng kanilang magulang.
A. dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
B. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
C. upang magabayan ang anak sa matuwid na landas ng buhay
D. sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ ang
anak na hindi paluin, magulang ang paluluhain”

E.PANUTO:Piliin sa Hanay B ang ugnayang lohikal na mayroon sa mga


pangungusap na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot

HANAY A
1. Sana naabutan mo siya kung maaga kang dumating.
2. Napuri si Honesto sa kanyang pagsasabi ng katotohanan.
3. Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, dahil dito siya ang
naging foreman.
4. Tunay na ang kaginhawaan ay
makakamtan sa pagsusumikap.
5. Itinaas niya ang kanyang kamay upang mapansin ng guro.
HANAY B
A. Kondisyon at Resulta
B. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
C. Paraan at Layunin
D. Paraan at Resulta
E. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
F. Sanhi at Bunga
FIRST UNITED METHODIST CHURCH
ECUMENICAL SCHOOL

F.PANUTO: Isulat sa patlang ang ugnayang lohikal na mayroon sa pangungusap. Bilugan


naman ang eskpresyong hudyat na ginamit

a) Kondisyon at Resulta
b) Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
c) Paraan at Layunin
d) Paraan at Resulta
e) Pagtitiyak at Pagpapasidhi
f) Sanhi at Bunga

1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating


isulong sapagkat parami nang parami ang mga
batang nabibiktima ng pang-aabuso.
2. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko
alam kung tutulungan ko ba ang mga batang ito o
hindi.
3. Maganda na sana ang kanilang buhay kung hindi
naging matigas ang kanilang mga ulo.
4. Masusugpo ang problemang ito sa pamamagitan ng
pagtutulungan.
5. Kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan
upang maiwasan ang problema.

You might also like