You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region VI- Western Visayas


Division of Negros Occidental
Calatrava National High School-Refugio Extension

Banghay Aralin sa Filipino-8

Petsa:____________
I. Layunin:

a. Pamantayang Pangnilalaman:
Naibahagi ang mga impormasyong may kinalaman tungkol sa
pinagmulan ng telebisyon sa ating bansa at kung paano ito
nakatutulong sa pagbibigay pamamahayag sa kasalukuyang
panahon.
b. Pamantayang Pagganap:
Nakapagbibigay ng sariling balitang-ulat.

c. Kasanayang Pampagkatuto:
Nailahad sa sariling pamamaraan ang nabasang pahayag.

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: ‘’Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang


Ipagbawal?’’
b. Sanggunian: Filipino, Pinagyamang Pluma 8 pp.386-393
c. Kagamitan: mga larawan, manila paper, bond paper, scotch
tape
d. Pagpapahalagang Moral: Iwasan ang gumawa ng pagkakamali.

III. Yugto ng Pagkatuto:

A. Pagganyak
1.Pagbabalik-aral ng guro sa paksang naitalakay.
2. Pagbibigay ng guro ng mga katanungan na may
kinalaman sa pakasang naitalakay.
3.Paglalahad ng mahahalagang tanong tungkol sa paksa.
4. Hatiin ang klase sa dalawang grupo.
5. Sagutin ang mga matalinghagang salita na nakasulat
sa pamamagitan ng pagbuo ng word puzzle.
B. Pagtalakay sa Paksa
Paglalahad ng guro ng paunang pagtalakay tungkol sa
paksa. Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang
Ipagbawal?

Mga Pukos na Tanong:

1. Anu ang mabuting naidulot ng telebisyon sa ating


pangaraw-araw na buhay?
2. Anu naman ang di-magandang naidulot ng telebisyon?
3.Pagbibigay katanongan upang linangin ang bawat pangyayari
sa paksa.
4. Pagpangkat-pangkat ng mag-aaral upang gumawa ng
sariling balitang-ulat.

Pangkat 1

Tatlong taong gulang na bata binugbog ng ina, balita


mula sa Bicol.

Pangkat 2

Isang labin-dalawang taong gulang na batang


lalaki binugbog at pinahiya ng magulang sa loob ng
paaralan.

Pangkat 3

Walong taong gulang na mag-aaral , pinarusahan ng


guro.

C. Pagbibigay diin at kahulugan sa mga salitang italyado ang


pagkasulat.

D. Pagsasanay.
IV. Pagtataya

Piliin ang tamang sagot, titik lamang ang isulat.

1. Maraming isyu ang tinalakay sa akda binasa ngunit ito ang


maituturing na pinaka paksa nito.
a. Pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga
bata
b. Pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal
punishment
c. Pagpapauti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang
Pilipino
2. Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang
balitang nabasa.

a. Upang mabigyang halaga at pansin ang lahat ng


karapatan ng mga batang Pilippino
b. Upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas
c. Upang mapahalagahan ang mga guro at magulang na
mali ang paggamit ng corporal punishmen

3. Ito ang tono o damdaming higit na naggingingibabaw sa binasang


balita.
a. Nagpapabatid
b. Nangangaral
c. Nanakot
4. Ito ang positibong epektong maaring mangyari sa kalagayan ng mga
bata sa bansa kapag ganap ng naisabatas ang House Bill 4455.
a. Itatago ng magulang at guro ang pagdidisiplina sa kabataan.
b. Higit na tatapang at tatalinoa ang mga batang Pilipino
c. Higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng
mga bata
5. Ito ang dahilan kung bakit lumabas sap ag-aaral na Malaki ang
porsyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na
pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
a. Sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong’’ ang
anak na hindi paluin, magulang ang paluluhain’’
b. Dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
c. Sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na
Pilipino
V. Takdang Aralin
Isulat sa isa’t-kalahating papel ang kahulugan ng tula at
magbigay ng limang halimbawa ng tula.

VI. Panuntunan:

VII. Pagninilay:

Inihanda ni:

Gng. Mary Ann C. Tipdas


T-1

You might also like