You are on page 1of 3

St. Camillus College of Manaoag Foundation, Inc.

Barangay Licsi, Manaoag, Pangasinan


(075) 519-5200; 529-1246
www.stcamillus.edu

IKALAWANG BUWANANG MAHABANG PAGSUSULIT


SA
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Taong Panunuran 2022-2023

Pangalan:_________________________________________________ Iskor:

Baitang at Seksiyon:________________________ Petsa: ___________________

PANGKALAHATANG PANUTO:

 WRITE YOUR ANSWERS CLEARLY- Iyung malinaw! hindi kagaya ng feelings niya saiyo na MAGULO NA, MALABO PA!
 NO ERASURES- Mag-isip nang mabuti, kaya ka naloloko eh. Siya na 'yung the RIGHT ONE PINALITAN MO PA!
 FINISH THE EXAM WITHIN 1 HOUR- Alam mo dapat kung kailan ka susuko, kapag TAPOS NA, TAPOS NA!
 DO NOT CHEAT- Huwag na gumaya sa mga manloloko kasi alam mo naman kung gaano kasakit maloko.

I: MARAMIHANG PAGPIPILIAN:
Panuto: basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng pinakawastong sagot.

1. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon
ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat?
a. pampolitika c. barangay
b. bayan d. pamayanan
2. Ito ay halimbawa ng prinsipyo ng solidarity, maliban sa _________.
a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. pagkakaroon ng kaalitan
c. bayanihan at kapit-bahayan
d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
3. Sino ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa
loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan?
a. barangay c. pamahalaan
b. mamamayan d. bansa
4. Sino ang mamamahala sa pamahalaan?
a. ang napiling pinuno c. mamamayan
b. ang tao d. wala sa nabanggit
5. Ilan ang prinsipyo ng Lipunang Politikal?
a. isa c. tatlo
b. dalawa d. apat
6. Ang salitang subsidiarity ay nagmula sa salitang latin na "subsidium" na nangangahulugang ________.
a. pagsasama c. pagtulong
b. pagkakaisa d. pagwawaksi
7. Anong uri ng prinsipyo kung ang tulong ay magmumula sa pamahalaan?
a. Prinsipyo ng bansa c. Prinsipyo ng Barangay
b. Prinsipyo ng Subsidiarity d. Prinsipyo ng Solidarity
8. Anong uri ng prinsipyo kung tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan?
a. Prinsipyo ng bansa c. Prinsipyo ng Barangay
b. Prinsipyo ng Subsidiarity d. Prinsipyo ng Solidarity
9. Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding ________.
a. Prinsipyo ng pagkakaisa c. Prinsipyo ng Pagtataksil
b. Prinsipyo ng sarili d. Prinsipyo ng pag-unawa
10. Sino ang "boss" ng pamahalaan at mamamayan?
a. Kabutihang Panlahat c. kapitan
b. presidente d. mayor

II: PAGPILI NG TAMANG KASAGUTAN


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at isulat sa patlang kung ito ba ay halimbawa ng
Subsidiarity o Solidarity.

_______________ 11. Tamang pagbabayad ng buwis


_______________ 12. Tulong pinansyal mula sa Gobyero/Pamahalaan
_______________ 13. Matapat at maaasahang pinuno
_______________ 14. Pag-aalaga ng pamilya
_______________ 15. libreng pag-aaral
_______________ 16. seguridad at kaayusan ng barangay
_______________ 17. pag-aaral ng mabuti
_______________ 18. pagsunod sa batas
_______________ 19. mamamayan
_______________ 20. pamahalaan

III. ENUMERASYON
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan

21-25. Ano ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan? Ipaliwanag. (5 puntos)

26-35. Ipaliwanag ang kasabihang "Ang walis tingting kung nag-iisa ay hindi makalilinis". (10 puntos)

36-50. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Prinsipyo ng


Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity. (15 puntos)
“Ang kaalamang taglay ay isang yamang hindi maiaalis ninuman.”

Inihanda ni:

ANGELICA G. SEMBRANO
Guro sa Filipino

Iniwasto ni:

DR. DOMINGO M. CABARTEJA


Punong Guro

You might also like