You are on page 1of 1

Bago ko simulan ang aking talumpati may nais muna akong ipahiwatig sa inyong lahat, ang iyong sarili

ang iyong pinakamalakas na sandata laban sa lahat ng hamon. Ikaw ang tanging susi sa iyong mga
pangarap.

Isang mapag palang araw sa inyong lahat, sa aming masipag na guro sa Kumunikasyon at Pananaliksik na
si BB. Danilyn Abilinde, at sa aking mga taga pakinig.

Ano ang Teenage Pregnancy? Ang Teenage Pegnancy ay isang problema na walang ibang pupuntahan
kundi sa pagkakaroon ng malawakang implikasyon sa buhay ng kabataan, ng kanilang mga pamilya, at
maging sa ating lipunan.

Ito ay nagdudulot ng maagang pagkamatay ng mga kabataang kababaihan dahil sa komplikasyon sa


pagbubuntis at panganganak. Madalas, sila ay hindi pa handang maging ina, hindi lamang
emosyonalmente kundi pati na rin sa pisikal at pangkabuhayan.

Upang mapigilan ang teenage pregnancy, unang-una, kailangan nating dagdagan ang kaalaman ng mga
kabataan ukol sa kalusugan sa reproduksyon at paggamit ng mga paraan ng birth control. Pangalawa,
kailangan rin nating bigyan sila ng mga oportunidad na magpatuloy ng kanilang pag-aaral at magkaroon
ng sapat na kaalaman at kasanayan upang makuha ang magandang trabaho.

Hindi rin natin dapat kalimutan ang papel ng pamilya, paaralan, simbahan, at lipunan sa kabuuan ng
isyung ito. Dapat nating suportahan at gabayan ang ating mga kabataan upang maiwasan nila ang mga
sitwasyon na maaaring magdulot ng Teenage Pregnancy.

Ikaw, bilang isang kabataan at mag-aaral, paano ka makakatulong upang mabawasan ang pagkakaroon
ng Teenage Pregnancy? Ano-ano ang maari mong magawa?Maraming salamat sa inyong pakikinig, at
muli isang mapag palang araw sa inyong lahat.

You might also like