You are on page 1of 1

Sa kabilang banda, hindi natin maiaalis ang katotohanan na naging malaking hamon ang

pangyayaring ito sa ating mga guro at pamunuan ng paaralan lalo’t higit sa mga
nakakataas sa Kagawaran ng Edukasyon. Hindi man naging perpekto subalit ginawa nila
ang kanilang makakaya at nagtulong-tulong upang hindi mahinto ang ating pag-aaral.
Nag-isip ng mga paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral na hindi naisasakripisyo
ang ating kaligtasan.
Nawa’y patuloy po kayong mag-isip ng mga paraan upang lalo pang patatagin ang
edukasyon sa ating bansa kahit sa gitna ng pandemya. Naging banta man ito sa ating
kalusugan hindi kayo tumigil at naglaan pa rin kayo ng oras at panahon maihatid lang sa
aming mag-aaral ang nararapat na edukasyon.
Ang mga ganitong pangyayari sa larangan ng edukasyon ay hindi dapat maging
hadlang upang maiparating sa mga mag-aaral tulad natin ang isang MAKALIDAD NA
EDUKASYON. Hindi pandemya ang titigil sa atin upang matuto at magkamit ng mga
kaalaman.

You might also like