You are on page 1of 7

KARAGDAGANG GAWAIN

Basahin at unawain ang halimbawang teksto sa ibaba.


Ang Proleaf Shampoo “Tints of Nature”
Mga Benepisyo Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng isang
araw! Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito ng malakas ng
proteksyon mula rito! Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mga mata. Mananatili rin ang
mahalimuyak na amoy ng iyong buhok hanggang bente kwatro oras! Ito ay gawa sa mga
natural na mga kagamitan kaya hindi ito nakasisira sa ating kalikasan! Ang lahat ng mga
benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang presyo lamang! Kaya ano pa’ng
hinihintay ninyo? Bili na! Suriin kung ang tekstong binasa ay tekstong persuweysib o
tekstong argumentatibo at ipaliwanag ang iyong sagot.
ALAMIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito Suriin at tukuyin ang paraan ng pangangatwirang ipinapahayag sa bawat teksto. Piliin ang
ang panlimang modyul na pag-aaralan mo sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sagot mula sa kahon at isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot sa inilaang patlang.
ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Grade 11 sa Senior High School. A. Pabuod C. Silohismo E. Sanhi at bunga B. Lohikal D. Pasaklaw
Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang malinang ang iyong mga
kasanayan at pag-unawa sa mga tekstong argumentatibo. ______1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay na
kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran. ______2. Edukasyon
Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin, ang ating sandata upang mapaganda ang ating kinabukasan, hindi lamang para sa sarili
suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul, kundi pati na rin sa bayan.
may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago matapos
ang aralin nang sa gayon ay mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran ______3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at prutas, at tamang ehersisyo ay
(cognitive), pandamdamin (affective), at saykomotor (psychomotor). iilan lamang sa mga dapat gawin upang mapanatiling malusog ang ating katawan.
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga kasanayang pampagkatuto na ______4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy. Si Lito ay isda. ______5.
dapat mong malinang bilang isang mag-aaral. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ng National Economic and
Development Authority (NEDA), mas malaki pa sana ang ilalago ng ekonomiya kung hindi
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit
lang dahil sa inflation o ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
ng tekstong argumentatibo (FIIPT-IIIa-88);
______6. Si Alex na yata ang pinakamabait sa aming magpinsan. Siya ay mapagbigay,
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong argumentatibo
maalalahanin, matapat at higit sa lahat may malawak na pag-iisip. ______7. Sa kultura
(FIIPSIIIb-91);
nasasalamin ang kaisahan at sariling pagkakakilanlan ng isang mamamayan.
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong argumentatibo (F11PU –
______8. Lubos ang pagkagalak ni Inay sa pagdating ni kuya na matagal nang hindi namin
IIIb – 89);
nakapiling.
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
______9. Mahirap ang buhay sa Jolo kung kaya’t masasabing mahirap ang buhay sa
argumentatibo sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig (F11PB –
buong Mindanao.
IIId – 99);
_____10. Ang palagiang pagbaha ay nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng tao.
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36); _____11. Maraming kabataang nasisira ang kinabukasan dahil sa patuloy na paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.
SUBUKIN
_____12. Ang salapi ay maituturing na kayamanang taglay ngunit kailangan ang
PANIMULANG PATATAYA karunungan sa pagtatamo ng makabuluhang buhay.
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito _____13. Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang sarili dahil sa mga
kung kailangan mo pa ba ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod. Tandaang katangiang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.
gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng
katotohanan o lohikal na pangangatwiran? Lagyan lamang ng (/) tsek ang mga bilang na _____14. Nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang pamumuhay
nagsasaad ng makatotohanan o lohikal na pahayag.
_____15. Bunga ng kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang maaga niyang
_____ 1. Ang programang K to 12 ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education, Junior pag-aasawa.
High School, at Senior High School.
_____ 2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mahina ang bentahan ng ating
produkto.

_____ 3. Isa sa mga pangunahing pinagkakikitaan ng ating bansa ay ang turismo.

_____ 4. Si Artista A ay matapat. Si Artista B ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Artista C ay


matalino kung kaya’t dapat nating iboto ang mga artista!

_____ 5. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal kung kaya’t halos buong taon nakararanas
tayo ng tag-ulan.

_____ 6. Pera ang pangunahing pangagailangan ng tao, ngunit pera rin ang sisira sa
relasyon ng tao.

_____ 7. Karaniwang kaugalian ng mga Pilipino ang likas na mapagmahal.

_____ 8. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang nababawasan ang mga
out-of-school youth.

_____ 9. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.

_____10. Si Coco Martin ay isang sikat na artista.

_____11. Ang isda ay namumuhay sa tubig.

_____12. Lahat ng taong nabubuhay ay humihinga.

_____13. Ang Pangulo ng Pilipinas ngayon ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

_____14. Si Jose Palma ang sumulat sa titik ng ating pambansang awit.

_____15. Kung si Maria ay mabuting kristiyano, siya ay makapupunta sa langit.

YUGTO NG PAGKATUTO
BALIKAN
Batay sa tinalakay na tekstong naratibo sa nakaraang modyul, suriin ang mga sumusunod
na pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay naglalahad ng katangian ng tekstong
naratibo at ekis (x) naman kung hindi.

_________ 1. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.


_________ 2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao, lugar o
pangyayari.

_________ 3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod.

_________ 4. Nakagaganyak ang panimula ng teksto.


_________ 5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad. ______6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga hakbang sa pagsasagawa ng
isang bagay.
_________ 6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.
______7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa pasulat na pamamaraan.
_________ 7. Naglalahad ito ng isang detalyeng nakapanghihikayat sa madla.
______8.Kinapupulutan ang tekstong argumentatibo ng mga kabutihang asal, mahalagang
_________ 8. Nagpapakita ng isang matibay na opinyon ukol sa paksa. aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng pagiging mabuti at tapat.
_________ 9. May ipinapakilalang suliraning kinakaharap ang mga tauhan. ______9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa paglalarawan ng isang bagay, tao, o
________ 10. Kawili-wili ang pamagat ng teskto at may malalim na pagpapaliwanag sa lugar.
magiging implikasyon nito. _____10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon ng may-akda na suportado ng
mga ebidensiya.

PAGYAMANIN

Editoryal | Si Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad


By: Pinoy Weekly
Iisa ang tono ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing nababanggit ang
kanyang tatay na si Ferdinand Marcos na pinatalsik sa Malakanyang sa unang
People Power sa EDSA: Kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power, maunlad na
sana ang Pilipinas. Tila sinasabi niyang pagkakamali ang EDSA People Power kung
kaya nananatili ang krisis dito sa bansa. Tila walang kasalanan ang administrasyon
ng kanyang ama sa kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan sa ilalim ng
administrasyon nito noon. Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa
kalagayan ngayon. Kahit na ihambing umano ang Pilipinas sa iba pang bansa sa
Asya, di hamak na nangunguna raw ito. Sa madaling sabi, maunlad noon ang
______4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mga mambabasa na Pilipinas at dahil ito sa kanyang ama. Kung may isang kakambal na pangalan ngayon
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat. ang mga Marcos, iyun ay ang Martial Law (ang deklarasyon na kumitil ng hindi lamang
______5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na kailangang ng demokrasya sa bansa kundi maging ang pinakamagigiting at pinakamahuhusay na
may kaugnay sa paksang tinalakay. anak ng bayan). Ito ang idineklara ni Marcos para umano makontrol ang bansa para
magkaroon ng “kaayusan” at sumulong ang ekonomiya ng bansa. Pero nakakalimutan
yata ni Bongbong na isang planadong krimen ang Martial Law para mapanatili ang
kapangyarihan ng kanyang ama sa puwesto tulad ng inamin ni Juan Ponce Enrile, isa
sa mga arkitekto nito. Totoong matindi ang kahirapan na nararanasan ng bansa
ngayon sa ilalim ni Aquino (at iba pang rehimeng nagdaan). Pero hindi ibig sabihin di
na matindi ang kahirapang nararanasan noon ng mga Pilipino sa ilalim ng
pamamahala ni Marcos. Mula noong panahon ni Marcos (o bago pa man), isa nang
tatsulok ang lipunang Pilipino na nasa itaas ang naghaharing mga uri, at iilan lamang
na pamilya ang nakikinabang. Ganito pa rin ang lipunan ngayon, dahil wala naman
talagang tunay o makabuluhang pagbabagong ginagawa ang mga pulitikong nakaupo
mula pa nang likhain ng Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas batay sa
kanilang interes. Wala sa mga nakaupo sa puwesto ang makakagawa na ipamahagi
nang libre ang lupa sa mga magsasaka. Wala sa kanila ang magbibigay ng
nakabubuhay na sahod sa mga manggagawa at ipatitigil ang kontraktuwalisasyon.
Wala sa kanila ang pangungunahan ang industriyalisasyon sa bansa. Lalong wala sa
kanila ang tatayo laban sa panghihimasok ng ibang bansa gaya ng Estados Unidos (at
kahit pa Tsina). Labag ang lahat nang ito sa interes at batas ng mga naghaharing uri na
nakaupo sa puwesto. Nakailang eleksiyon na ang mga Pilipino, pero nananatiling
dominante ng mga pamilyang ito ang eleksiyon sa Pilipinas. Wala silang lilikhaing
batas na labag sa interes ng mga haciendero at mga kapitalista. May Marcos o wala
na nakaupo sa bansa, o may Martial Law man o wala, hinding hindi tunay na uunlad
ang Pilipinas at mga mamamayan nito habang nananatiling nakadisenyo ang
gobyerno para mapanatili ang mga naghaharing uri sa kanilang puwesto at panatilihin
ang ganitong sistema na sila lang ang nakikinabang. Desperasyon na marahil ng ibang
mga Pilipino ang pagkakaroon ng Martial Law o kamay na bakal tulad ng mga
itinotono ng mga pulitikong tumatakbo para umano umayos at umunlad ang bansa.
Ipinapangako ng mga pulitiko ang lahat kahit ano para lang manalo. Pero alam na ng
marami na hindi ito magkakatotoo. Dahil kung may tunay na pagbabago na
magkakatotoo at makabubuti sa ordinaryong mga tao, hindi ito manggagaling sa mga
kandidato. Napatunayan ng mga pag-aalsa mula panahon ng kolonyalismong
Espanyol hanggang First Quarter Storm ng 1970 hanggang sa EDSA noong 1986 na
nagkakaisang mga mamamayan ang nagtutulak ng pagbabago.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

SURIIN Mayroong mahahalagang bahagi ang tesktong argumentatibo tulad din ng ibang
pormal na sulatin. Bawat bahagi nito ay magkakaugnay upang higit na maging matibay
TEKSTONG ARGUMENTATIBO ang pangangatwiran. Ito ay kinapapalooban ng panimula, gitna o katawan at konklusyon.
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan Panimula - Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis
mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang ating statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang tatalakayin.
kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon hinggil dito ay
ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag din kalimutang Gitna o Katawan - Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat
isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad ang kanyang mga kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad. Mahalagang
pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat. Ang tekstong malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.
argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito
Konklusyon - Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-
nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin sa mga datos o mga
uusapang paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng manunulat na
impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi-ethos,
nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.
pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang
mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensiya na
nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto. Ang empirikal na pananaliksik naman ay
tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey
at eksperimento.

GAWAIN 1
Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng pahayag at Mali
naman kung mali ang isinasaad nito.

______1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa pamamagitan


ng paggamit sa mga nakalap na datos.

______2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang mga ebidensyang


pangkasaysayan.

______3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng empirikal na pananaliksik.

You might also like