You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________________ Kurso at Taon:_____________ Petsa:_________ Iskor:_______

Pagsusulit Blg. 1

I. Panuto: Tukyuyin ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
inilaang patlang.

___________________1. Ito’y wikang katanggap-tanggap sa lahat ng antas ng lipunan lalo na sa


mga pormal na pagdiriwang, usapin at ibp.
___________________ 2. Ang salitang iisa sa baybay at bigkas ngunit may magkaibang kahulugan
depende sa propesyon o hanapbuhay na gumagamit nito.
__________________ 3. Ang wikang nagbabago dahil na rin sa pag-unlad ng tao kasabay ng
kanyang panahon.
__________________ 4. Ayon sa kanya, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isng maituturing na komunidad. Sino ito?
__________________ 5. Ayon naman sa kanya, ang wika ay parang hininga. Sino ito?
__________________ 6. Ito ang pinakamababang antas o uri ng wikang ginagamit ng tao?
__________________ 7. Ito’y antas ng wika na ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa
pormal na mga salita.
__________________ 8. Ang wika ay midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi ng pagkakaunawaan. Sino ang nagpahayag nito?
__________________ 9. Ayon naman sa kanya, ang wika ay proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong palatandaan na maaaring berbal o
di-berbal. Sino ito?
__________________ 10. Ang antas ng wikang ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin, at
sirkulasyong pangmadla.

II. Panuto: Unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang naka-italisado. Isulat ang iyong sagot pagkatapos ng tanong. Dalawang puntos ang
katumbas ng bawat bilang.

1. Liblib ang kanilang barangay, ngunit abot-balita, kaya alam nila ang nangyari sa bansa
sa pana-panahon.
2. Bahag ang buntot ng tanyag na karetista nang siya’y hulihin ng pulis dahil sa
pambubugbog ng asawa.
3. Lumilipad ang isip ni Mando, kaya sa halip na pumasok sa trabaho ay sa Ospital Heneral
napunta.
4. Sa di iilang pangyayari sa nakawan sa bangko na may bantay-salakay.
5. Hulog ng langit sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng isang kolehiyong para lamang sa
mga Kristiyanong Protestante, ang Messiah College Foundation, Inc.
6. May mga taong likas na mahahaba ang dila na malimit siyang pinagmumulan ng
kaguluhan hindi lamang sa tahanan kundi sa pamayanan.
7. Makulay ang buhay ni Dr. Jose Rizal noong siya’y bata pa.
8. Karamihan sa mga magsasaka, kung magtrabaho’y parang kalabaw.
9. Iyang mais o saging ay magaling na pantawid-gutom sa panahong walang mabilan ng
bigas.
10. Hindi dapat na magtiwala ang kahit na sino sa mga taong ugaling-ahas.

III. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod. Pag-isa-isahin ang tamang sagot sa bawat
bilang. Isulat ang iyong sagot sa inilaang espasyo.

1-5. Ano-ano ang mga katangian ng wika?


6-10. Ano-ano ang mga antas ng wika?
11-12. Magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng diyalektong pampook? At ang ibig
sabihin nito?
13-15. Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng Idyolek?
16-18. Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng diyalektong sosyal?
19-20. Magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng balbal? At ibigay ang ibig sabihin nito.

You might also like