You are on page 1of 2

Modyul 1.

2: Mga Konseptong Pangwika


(Register, Barayti, Homogenous at Heterogenous na Wika)

PAGSASANAY A. Panuto: Kilalanin ang tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat pahayag batay sa
nakalahad na kahulugan. Isulat ang sagot sa patlang.

______________________ 1. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing


walang buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang
pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.
______________________ 2. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro
sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti dahil na rin sa mga salik panlipunang
nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
______________________ 3. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang
uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
______________________ 4. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang mga personal na
katangian kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
______________________ 5. Ito ang barayti ng wikang ginagamit sa partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
______________________ 6. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba ng katayuan o
antas panlipuhan dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

B. Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung anong barayti
ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa linya.

______________________ 7. Kilalang kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni


Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
______________________ 8. Nagta-Tagalog din ang mga Morong, Rizal pero may punto silang
kakaibasa tagalog ng mga Metro Manila.
______________________ 9. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na
ang malutong niyang “Ah, ha, ah! Okey Darla! Halika!”
_____________________ 10. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si
Danilo a.k.a. ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
_____________________ 11. Habang nakasakay sa bus si Praybeyt Arnel ay naririnig niyang nag-
uusap ang dalawang babae sa unahan. Naririnig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,
essay, at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa unahan niya.
_____________________ 12. Habang naghahanda ng report o ulat ang mgakaibigang Ztil at Marlon
ay maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit ng maihanda ang mga kagamitan at
mag-simula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang
paraan nila ng pagsasalita.
_____________________13. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong binibigkas ni Korina Sanchez sa
kanyang programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebiysonat naririnig lamang ang kanyang
pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas.
_____________________ 14. Nang magbakasyon si Joshua sa Bikol, natutunan niya ang ilang salita
katulad ng “magayon” na ang ibig sabihin ay maganda, “magkaon” na ang ibig sabihin ay kumain, at
“harong” na ang ibig sabihin ay bahay.
_____________________ 15. “Di umano…” Salitang naririnig natin mula sa batikanong mamahayag
na si Jessica Soho sa kanyang programang “KMJS” tuwing linggo ng gabi.
C. Magsaliksik, Makinig sa radyo, o manood ng ulat tungkol sa patuloy na pagtaas ng bilang ng
kaso ng covid 19 sa ating bansa. Pagkatapos, isulat ang iyong kaalaman at pananaw
kaugnay nito sa pamamagitan ng isang talata lamang na naiuugnay ang natutuhang mga
konseptong pangwika. Isulat sa kahon sa ibaba ang Talatang gagawin mo.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Mahusay ang pagkakalahad ng mga ideya 10
Gumamit ng mga konseptong pang-wika na natutuhan 10
Wastong gramatika 5
Kabuuan 25

You might also like