Hindi sapat na mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapay higit na dapat matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad nito. BAYOGRAPIKAL
“ Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo,
matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang makatutulong sa sining ng manunulat – ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, mga aklat o mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsisilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.” - Ramos at Mendiola (1994) BAYOGRAPIKAL
Kinakailangang bigyang-panisn ng mag-aaral o
mananaliksik ang ilang kondisyon nito: 1. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat. 2. Ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda. BAYOGRAPIKAL
Kung naging mapangahas man ang may akda
sa paglalantad ng ilang bahagi ng kanyang buhay, isipin na lamang na ang mga ito’y makapagdaragdag sa ikaaangat ng kasiningan ng akda. HISTORIKAL Sinasaklaw ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong political na nakapaloob sa akda, at ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda. May mahalagang papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng panitikang susulatin ng may-akda kung kaya’t ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at instruktura ng institusyon. KLASISMO