You are on page 1of 1

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina


Kinilala,

Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang


Filipino noong kanilang panahon. Ganito ang ipinahayag ni Abadilla (1954):

Sa bisa ng "Parolang Ginto" ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya'y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon.
Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang "Parolang Ginto" ay pinasok ni


del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay
pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang "Talaang Bughaw" noong 1932, na sagisag
mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda,
maging tula o akda man.

Sa "Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq."isang sanaysay
ni lsaganiR. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang
paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang
kritika:

Ano
ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang
mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita'y nasaan na ba tayo
ngayon sa kritika?

Tulad ng pagiging manunulat ng alin tang ang isang kritiko sa


akdang pampanitik
panitikan ay dapat ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil ditto, iminumungkahi ng
manunulat ng aklat na ito ang sumusunod na mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:

. Ang kritiko ay matapat


bilang isang sining.
sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili


bilang manunuri ng akdang pampanitikan at

hindi manunuri ng lipunan,manunulat, mambabasa o ideolohiya.


3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig
sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,kasaysayan, sikolohiya,atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan
ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang

pamimili.

You might also like