You are on page 1of 1

paghahanap ng aral

• pag-uugnay ng akda: sa buhay ng manunulat, sa kasaysayan, sa lipunan, sa sariling karanasan o


buhay

• pag-alam sa kahulugan ng mga salitang ginamit • pag-alam sa tema/mensahe

• pag-alam sa anyo ng akda sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa kaligiran, banghay, istilo,


tauhan, tema at iba pang pormal na salik.

Makikita sa mga estratehiyang tinala ni Yu ang ilang pangunahing dulog o pamamaraan sa


pagbasa na siyang tuntungan sa pagtalakay ng mambabasa/kritiko sa isang akdang pampanitikan.
Maaaring (1) moralistiko, (2) idealistiko, (3) historikal at sosyolohikal, (4) repleksibo, at (5)
formalistiko.

Bukod sa mga nabanggit, ang teorya o pananalig pampanitikan din ay nagsisilbing tuntungan din
sa pagbasa at pagtalakay sa isang akda. Di nga kasi, ang akda, kapag ipinabasa na sa lipunang
binubuo ng mga indibidwal na may kani-kaniyang pinanggagalingang uri, paniniwalan,
pananaw-mundo, ideolohiya, ay nababasa sa kung paanong "anggulo" o perspektiba nakikita ng
sinomang mambabasa-mag-aaral. (Balikan ang Modyul 3 para sa muling sulyap sa iba't ibang
teoryang pampanitikan). Nahuhusgahan ang isang akda batay na rin sa antas ng kakayahan at
kaalamang pampanitikan ng mambabasa. Sa ganito nagkakaroon ng iba't ibang "pagbasa" at
"pagtalakay" sa isang akda.

You might also like