You are on page 1of 2

PANURUANG TAON: 2023-2024

IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 5
MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan:__________________________________ Pangkat: _________________________

Guro: Mr. Gilberto P. Obing Jr. Petsa: ________________________

I. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
Juan de Vera Senakulo

Tomas Pinpin Duplo

Damian Domingo Zarzuela

Mariano Madrinan Moro-Moro

La Opinion Komedya

________1. Ama ng Pinturang Pilipino.

________2. Ang nag limbag ng Doctrina Christiana sa wikang Tagalog.

________3. Ang kauna-unahang pahayagang pampolitiko sa Pilipinas.

________4. Ang nakilalang mang-uukit ng rebulto ng santo sa Paete, Laguna.

________5. Ang tawag sa labanan ng mga Muslim at Kristiyano.

________6. Ang isang patulang pagtatalo ng dalawa o higit pang duplero.

________7. Ang pagsasabuhay at pagpapasakit ni Kristo tuwing Mahal na Araw.

________8. Ang naglimbag ng akdang “Librong Pag-aaralan nang mga Tagalog na Uicang Castila.”

________9. Ang tumutukoy sa pagsasadula ng prinsesa at prinsipe.

________10. Ang tawag sa isang pagtatanghal na may sayaw at awitin.

II. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at ang Mali kung hindi.

________11. Sa uring panlipunan, ang mga Pilipino ang nasa mababang antas at ang mga Espanyol
naman ang nasa mataas na antas.

________12. Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Narciso Zaldua Claveria na ipagkalap ang apelyidong

espanyol sa mga katutubong Pilipino.

________13. Ang mga telang ginagamit sa paggawa ng barong at camisa ay piña, sinamay, at jusi.

________14. Diamond sutra na kauna-unahang aklat sa Pilipinas.

________15. Si Juan Luna ang nagpinta ng Spoliarium.

________16. Ang hiphop ay katutubong sayaw na nakahiligan ng mga Pilipino bago pa ang pananakop ng
mga Espanyol.

________17. Ang bahay-kubo ang estilo ng arkitekturang ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas.

________18. Ang duplo debateng patula ang pagbigkas tuwing may lamay.

________19. Pabasa ay isang pag-awit ng pasyon o kuwento ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus

________20. Ang Langit, Lupa at Impierno ni Jose Luciano Dans ay katutubong pinta na malaya sa
impluwensiya ng mga Espanyol.
III. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

________21. Anong aspekto ng pamumuhay ang naapektuhan nang ipalathala ni Gobernador Narciso
Claveria?
A. Wika C. Apelyido
B. Libangan D. Edukasyon

________22. Anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino ang nagbago nang ipatupad ang Education
Decree of 1863?
A. Wika C. Apelyido
B. Libangan D. Edukasyon

________23. Anong uri ng libangan na pinakilala ng mga Espanyol ang kinahiligan ng mga Pilipino?
A. Pag-awit C. Panonood o teatro
B. Patintero D. Pagsasayaw

________24. Ano ang pinakamataas na pinuno ng sentralisadong pamahalaan sa kolonya?

A. Gobernador heneral C. Gobernadorcilo
B. Alkalde mayor D. Cabeza

________25. Ano ang tawag sa mga lalawigan na nasakop ng mga Espanyol?

A. Ayuntamiyento C. Capitan Municipal
B. Pueblo D. Alcaldia

________26. Ano ang tawag sa mga imbestigador sa panahon ng espanyonl?

A. Indio C. Visitador
B. Alcalde D. Hari

________27. Sino ang pumipili sa datu o lakan upang maging pinuno ng barangay ?
A. Gobernadorcilo C. Capitan Municipal
B. Cabeza de Barangay D. Gobernador heneral

________28. Ano ang tawag sa mga lalawigan na hindi pa nasasakop ng mga Esponyol.
A. Ayuntamiyento C. Corregimiento
B. Pueblo D. Alcaldia

________29. Sino ang tinatawag na politikong militar na namamahala sa corregimiento?

A. Cabeza de Barangay C. Gobernador
B. Principalia D. Visitador

________30. Anong batas ang ipinatupad at ipinangalan kay Don Antonio Maura?
A. Batas Militar C. Batas pambansa
C. Batas Maura D. Wala sa nabanggit

IV. Panuto. Sagutin ang mga katanungan.

31-35. Bakit naging mahalaga ang elektrisidad noong panahon ng pananakop ng Espanyol?
____________________________________________________________________________________

36-37. Paano nakatulong ang pagbuti ng komunikasyon noon sa pagbilis ng paghahatid ng mensahe?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

You might also like