You are on page 1of 17

PAGPAPAKILALA AT

PAGPAPAKAHULUG
AN SA TEKSTO
TEKSTO
• Ang teksto ay ang babasahin na
naglalaman ng mga ideya
tungkol sa iba’t-ibang tao o
impormasyon tungkol sa mga
bagay-bagay.
Ang Organisasyon
ng komposisyon
Talata •Ang talata ay binubuo ng
kalipunan ng mga
pangungusap na umiikot
o tumatalakay sa isang
kaisipan o ideya.
Binubuo ang talata ng pamaksang
pangungusap at pantulong ng mga
pangungusap. Itinuturing na tagapaglagom
ng kaisipan talata ang pamaksang
pangungusap.
Halimbaw Maraming

a Pamaksang
pangungusap
kabataan ang
nalululong sa
iba’t ibang
bisyo.

- Ang ilan sa
mga ito’y
paninigarilyo,
Pantulong na
pagsusugal, at
pangungusap
paggamit ng
ipinagbabawal
na gamot.
TUKUYIN

• Likas sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal at ito ay kanilang naipamamalas
sa iba’t ibang pagkakataon. Sila ay may mataas na paggalang sa mga nakakatanda sa
kanila. Marunong silang makinig at sumunod sa mga utos at payo ng mga nakakatanda.
Tumatalima sila sa mga patakaran o alintuntunin sa kanilang paligid. At higit sa lahat,
marunong silang magpasalamat sa anumang bagay na kanilang natanggap.
MGA KATANGIAN
NG ISANG
MABISANG TALATA
O KOMPOSISYON
Mabisang Talata

• Kaisahan
- Ang talatang may kaisahan ay tumutukoy sa
iisang paksa lamang.
• Kaugnayan
- Sa pamamagitan nito, may relasyon ang mga
ideya sa isang komposisyon. Mayroon itong order
o ayos na sumusunod batay sa espasyo, panahon,
at lohikal.
Tekstong
Impormatibo
Tekstong Impormatibo

• Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na


nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o kaalaman, na may
taglay na lohikal na pagpapahayag ng mga kaisipan para sa lubusang
pag-unawa.
Layunin ng Tekstong
Impormatibo
Layunin:
• Nagbibigay-kahulugan
Layunin nito na bigyang-depinisyon ang isang salita,
bagay, o anumang ideya.
• Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga
Sinasagot ng sanhi at bunga ang mga tanong na bakit
at ano ang maaaring kahinatnan nito.
• Nagtutulad at Nagtatambis
Ang paglalahad na may diin sa pagtutulad ay
nagbibigay pansin sa mga pagkakapareho ng mga
ideyang pinaghahambing; kabaliktaran naman nito
ang pagtatambis na nagbibigay pansin sa mga
pagkakaiba ng mga ideyang pinaghahambing.
• Naghahatid ng Balita
Ang balita ay ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa
paligid.
• Naglalahad ng Suring-basa
Ang suring-basa ay isang uri ng tekstong impormatibo na naglalaman
ng komento ng isang tagabasa tungkol sa aklat na kanyang binasa.
• Naglalahad ng Suring-Penikula
Isa itong uri ng paglalahad na nagtitimbang at nagpapahalaga sa mga
palabas sa telebisyon at sinehan.
Mga Bahagi ng
Tekstong
Impormatibo
• Pamagat
ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng mga sulatin sa panitikan; sapagkat, dito umiikot ang isang kwento,
tula, nobela, at iba pa.

• Panimula
Katulad ng pamagat, kailangang nakapupukaw rin ang panimulang pangungusap o talata upang maganyak ang
mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa hanggang wakas.

• Katawan
Ito ang kabuuang nilalaman ng teksto. Dito makikita ang mga datos o impormasyong kailangang mabatid ng mga
mambabasa.

• Pangwakas
Kung gaano kahusay ang pamagat at panimula, ganoon din dapat ang pangwakas. Kinakailangan ito upang mag-
iwan ng impact o dating ang teksto.
Gawain #3.1
Sumalat ng tekstong impormatibo sa mga
napapanahong isyu at bigyan mo ito ng sariling
pamagat. Sundin ang mga bahagi sa paggawa
ng tekstong impormatibo.

You might also like