You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 1
Learning Activity Sheets

1
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: _____________________________Ikatlong Markahan-Unang Linggo


Pangkat: _____________________________ Petsa: _____________________

MGA PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN


Susing Konsepto

Ang pagkakaroon ng sariling kasarinlan ang pinakamimithi ng isang bansa.


Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga hamon ang
kinaharap ng bansang Pilipinas lalo na pagdating sa kabuhayan, ekonomiya at
pagsasarili bilang isang bansa. Dagok man sa mga Pilipino ang mga pangyayaring ito
at hamong muli na makabangon bilang isang malayang bansa, ay patuloy pa ring
napasailalim sa ugnayang Pilipino-Amerikano.

MGA SULIRANING KINAHARAP NG PILIPINAS PAGKATAPOS NG DIGMAAN

1. Pagbagsak ng Produksiyong Agrikultural


Isa sa mga maunlad na industriya sa Pilipinas bago magkaroon ng digmaan ay
ang agrikultura. Malawak ang mga taniman ng palay at gulay sa iba’t ibang bahagi ng
bansa. Isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino sa lalawigan ay
pagsasaka.
Pagkatapos ng digmaan, naiwang sira ang mga palayan at iba pang taniman.
Nasira ang mga sistemang patubig. Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng mga binhi
na itatanim upang makapagsimula muli ang mga magsasaka. Halos 60% ng mga
taniman sa Pilipinas ang napinsala at nakatiwangwang dahil sa kakulangan sa mga
magsasaka.Natigil din ang produksiyon ng mga pangunahing produktong iniluluwas
ng bansa tulad ng asukal, niyog, abaka, at tabako.
2. Suliranin sa Transportasyon at Komunikasyon
Dahil sa pinsala sa imprastraktura,kabilang ang mga kalsada,tulay at riles ng
tren, ay lubhang apektado ang transportasyon sa bansa. Hindi makapagbiyahe ang
mga tren na sa panahong iyon ay pinakamabilis at epektibong sistema ng
transportasyon ng bansa. Pinagdugtong nito ang malalayong lalawigan na
pinagkukunan ng suplay para sa mga lungsod.Gayundin, sa pagkasira nito, mabagal
ang pagpapadala ng tulong ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng digmaan
mula sa Maynila papunta sa malalayong lalawigan. Hindi rin magamit ang mga
sistema ng komunikasyon katulad ng mga radyo at telegrapo.
3. Pagbaba ng Antas ng Kalusugan
Ayon kay Roxas, “Lalo pang bumaba ang antas ng kalusugan at kalinisang
pampubliko. Nananatili ang panganib ng epidemya. “ Bagama’t bago ang digmaan ay
maigting ang kampanya ng Estados Unidos upang sugpuin ang malaria at tuberculosis
sa bansa. Dahil sa digmaan at kakulangan ng gamot ay muling tumaas ang kaso ng
mga sakit na ito.

2
4. Suliranin sa Pangkalahatang Katiwasayan
Dahil sa kahirapan ng buhay, napilitan ang ilan na magsamantala sa kapwa.
Tumaas ang antas ng pagnanakaw dahil sa kakulangan ng trabaho. Maraming Pilipino
ang nagsiksikan sa Maynila at iba pang lungsod sa pag-asang mas mabilis na
makararating ang tulong ng pamahalaan sa mga lugar na ito. Hindi rin maayos ang
sistema ng pabahay dahil sa pagkasira ng mga ito sa panahon ng digmaan.

MGA HAMON SA KASARINLAN


Sa kabila ng pagkilala ng Estados Unidos sa kalayaan ng Pilipinas, nanatili pa
rin ang kanilang impluwensiya. Neokolonyalismo ang tawag sa bagong anyo ng
kolonyalismong ito. Sa ganitong sistema, patuloy na naitataguyod ng mga
makapangyarihang bansa ang interes nito sa pamamagitan ng pagkontrol o pag-
impluwensiya sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura ng mas mahinang bansa.
Makikita ito sa mga naging hakbang ng US matapos ang digmaan.
Kasabay ng pagbibigay nito ng tulong-pinansiyal para sa rehabilitasyon at
pagsasaayos ng mga napinsala noong nakaraang digmaan ay isinulong ng US ang
iba’t ibang batas na patuloy na nag-uugnay dito sa Pilipinas. Isa na rito ang Bell Trade
Act o Philippine Trade Act of 1946 na itinakda ni Charles Jasper Bell ng US. Nilalaman
ng batas na ito ang pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas
sa loob ng walong taon; pagbibigay ng US ng parity rights o kapantay na karapatan
sa Pilipinas na galugarin, hanguin, at gamitin ang mga likas na yaman ng bansa; pag-
aangkat sa Pilipinas ng ano mang produkto nang walang binabayarang buwis; at
pagtatali ng halaga ng piso sa dolyar sa tumbas ang 2:1.
Higit pang lumubha ang kalagayan ng Pilipinas kaugnay ng relasyon nito sa US
nang lagdaan ni Pangulong Harry S. Truman ng US ang Tydings Rehabilitation Act
noong Abril 30,1946. Ayon dito, magbibigay lamang ng dagdag na tulong-pinansiyal
ang US sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng $620,000,000 kung aayon ang pangulo ng
Pilipinas sa kahilingan ng US na susugan ang Saligang Batas ng Pilipinas. Dito
binigyan ng parity rights ang US. Malinaw na sa batas na ito, nagbagong-anyo lamang
ang kolonyalismong pinairal ng US sa Pilipinas at nakasentro na sa aspektong pang-
ekonomiya.
Ginamit din ng mga Amerikano ang panggigipit. Hindi pinahintulutan ng US na
maging industriyalisadong bansa ang Pilipinas. Hinimok nitong manatiling agrikultural
ang Pilipinas kapalit ang tulong-pinansiyal upang pagyamanin ang sektor na ito. Sa
ganitong paraan ay higit na mapakikinabangan ng US ang mga hilaw na materyales
at likas na yaman ng Pilipinas,habang ang huli ay patuloy na aasa sa mga produkto
at kalakal mula sa una.
Ginamit din ng US ang pagpapautang upang mapanatili ang neokolonyal na
ugnayan. Sa pamamagitan ng International Monetary Fund, World Bank, o ng US,
napautang ang Pilipinas kapalit ng mga patakarang pang-ekonomiya na pabor o
naaayon sa una.
Ikatlong paraang ginamit ang pagpapakilala sa mga Pilipino ng kultura ng US
sa pamamagitan ng edukasyon. Ilang Pilipino ang ipinadala sa US upang maging
pensionado.

3
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong
kinakaharap ng mga Pilipino mula 1946-1972

LAYUNIN:
1. Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang
naging pagtugon sa mga suliranin.

Pagsasanay 1
Panuto: Kilala mo ba siya? Magtala ng ilang mga impormasyon hinggil sa iyong
pagkakakilanlan sa nasa larawan.

https://commons.wikimedia.org/w/index.php?title
=Special:Search&limit=20&offset=0&profile=
default&search=Manuel+A.+Roxas

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
________________________________
________________________________
_________
Pagsasanay 2

Panuto: Panuto: Isulat ang Totoo kung tama ang isinasaad ng pangungusap batay
sa kaalamang natalakay at Hindi-Totoo kung hindi.
__________1. Isa sa mga maunlad na industriya sa Pilipinas bago magkaroon ng
digmaan ay ang agrikultura.
__________2. Lalong bumaba ang antas ng kalusugan at kalinisang pampubliko
pagkatapos ng digmaang pandaigdig.
__________3. Halos 50% ng mga taniman sa Pilipinas ang napinsala at
nakatiwangwang dahil sa kakulangan ng mga magsasaka.
__________4. Dahil sa pagkasira ng mga kalsada,tulay at riles ng tren ay lubhang
apektado ang transportasyon ng bansa.

4
__________5. Mas dumami ang oportunidad na magkaroon ng magandang
hanapbuhay ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan.
__________6. Maraming mga kabahayan at imprastraktura ang nasira pagkatapos
ng digmaan.
__________7. Dahil sa digmaan at kakulangan ng mga gamot ay muling tumaas
ang kaso ng mga sakit na tuberculosis at malaria sa bansa.
__________8. Nagpatuloy ang produksiyon ng mga pangunahing produktong
iniluluwas ng bansa tulad ng asukal, niyog, abaka at tabako.
__________9. Tumaas ang antas ng pagnanakaw dahil sa kakulangan ng trabaho.
__________10. Isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino sa lalawigan
ay pagsasaka.

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon.

Suliraning Kinaharap Mga Naging Tugon sa


Suliranin

Pagbagsak ng Produksiyong
Agrikultural .

Suliranin sa Transportasyon

Pagbaba ng Antas ng
Kalusugan

5
Suliranin sa Pangkalahatang
Katiwasayan

Pagsasanay 4
Panuto: Ano-ano ang iniwang pinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Pilipinas. Isulat sa mga kahon.

Pagsasanay 5

Panuto:Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod batay sa napag-aralan.

1. Neokolonyalismo - ______________________________________________
_______________________________________________________________

6
2. Parity Rights-__________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Bell Trade Act- ________________________________________________


_______________________________________________________________

4. Tydings Rehabilitation Act-_______________________________________

Mga Gabay na Tanong: (Performance Task)

1. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang neokolonyalismo sa pagbangon ng Pilipinas


pagkatapos ng Ikalawaang Digmaang Pandaigdig?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano mo masasabing nagsamantala ang mga Amerikano sa mga Pilipino


pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pangwakas:
Kumpletuhin ang parirala upang makabuo ng repleksiyon tungkol sa napag-aralang
aralin.

Naging mahirap ang pagbangon ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig dahil
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

Quizol, Mary Christine F.,Ong, Angela y., Villan,Vicente C.,PhD,


Mercado,Michael M.,Corpuz, Gringo M. Mag Patnugot: Boncan,Celestina
P.,PhD, Villan,Vicente C,PhD, Aralaing Panlipunan Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino, Pagtugon sa mga Hamon sa Kasarinlan ng
Bansa,ph. 204-209

https://commons.wikimedia.org/w/index.php?title=Special:Search&limit=20&offset=0
&profil

7
8
Teacher II
DOREEN GRACE G. ESPIRITU
Inihanda ni:
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1: Muli ( Mga posibleng sagot)
Larawan ni Manuel A. Roxas
Pagsasanay 2:
1.Totoo 6. Totoo
2.Totoo 7. Totoo
3. Hindi Totoo 8. Hindi Totoo
4. Totoo 9. Totoo
5. Hindi Totoo 10. Totoo
Pagsasanay 3:
SULIRANING KINAHARAP
Pagbagsak ng Produksiyon Pagkatapos ng digmaan naiwang sira Hinimok ng mga Amerikano
Agrikultural ang mga palayan at iba pang namanatiling
taniman,nasira ang mga sistema ng Agrikultural ang Pilipinas kapalit ang
patubig, kakulangan sa suplay ng mga tulong
bnhi na itatanim,kakulangan ng Pinansiyal upang pagyamanin ang
magsasaka, natigil ang pagluluwas ng sektor na
mga pangunahing produkto tulad ng ito.
asukal,niyog, abaka at tabako
Suliranin sa Transportasyon Pagkasira ng mga kalsada,tulay at riles. Pagpapa-utang pinansyal mula sa US
at Komunikasyon Hindi rin nagamit ang mga sistema ng para
komunikasyon katulad ng mga radyo at sa mga rehabilitasyon at pagsasa-
telegrapo. ayos
ng mga napinsala noong nakaraang
digmaan
Pagbaba ng Antas ng Kakulang ng gamot at muling tumaas ang Pagpapa-utang pinansyal mula sa US
Kalusugan kaso ng mga sakit. para
sa mga rehabilitasyon at pagsasa-
ayos
ng mga napinsala noong nakaraang
digmaan
Pagpapa-utang pinansyal mula sa US
Suliranin sa Pangkalahatang Tumaas ang antas ng pagnanakaw dahil para
Katiwasayan sa kakulangan sa trabaho. sa mga rehabilitasyon at pagsasa-
Hindi rin naging maayos ang sistema ng ayos
pabahay dahil sa pagkasira ng mga ito. ng mga napinsala noong nakaraang
digmaan
PAGSASANAY 4: Mga posibleng sagot: pagkasira ng mga kabahayan,kalsada at riles ng tren,dumami ang nawalan ng hanap-
buhay,pagkasira ng taniman
MGA GABAY NA TANONG: Magkakaiba-iba ng sagot ang mga mag-aaral

You might also like