You are on page 1of 3

HALIMUYAK NG DAPITHAPON SA ISANG GURO

“ When I grow-up…I want to be a teacher”


…Sa mura kong isipan ito na palagi ang laman. Ang pangarap na ito
ang naging pamatnubay na tahakin ang wastong daan.

Iginapang ako ng mga magulang upang pangarap makamtan


Naging maamo naman sa akin ang kapalaran-
ang mundo ng pagtuturo ay aking nasumpungan.

Subalit taliwas pala sa aking inaakala ang lahat.


Higit na masalimuot ang tagpong sa akin ay sumambulat.
Ang gagampanan ko palang tungkulin ay napakabigat
Animo’y naglalayag ako sa maalong dagat.

Di pa man ako tuluyang pumapalaot


Subalit pagkabagabag na sa akin ay bumabalot…
Natatakot ako na baka ito’y magiging bangungulot…
O di kaya magiging bulaklak ako na walang talulot.

Higit pa akong humanga nang lubusan kong makilala ang aking mga
kasamahan.
Ang lakas pala nila, hindi kayang pamarisan…
Sa ngalan ng pagtuturo…at sa tungkuling sinumpaan
Walang sinusukuan at higit sa lahat walang inaatrasan…

Pinagsikapan nilang ang tuwa ay mamutawi sa labi


Maging sa likod ng kanilang mga ngiti ay ang itinatagong paghikbi
Na pati ang paghihinagpis ay sinubukan nilang ikubli.
Subalit sa mga mata nito’y, maaaninag ang pagdadalamhati.

Sa bawat kabanatang ibinahagi nila sa kanilang buhay…


HIgit na katatagan ang sa akin inaalay:
Napaglililmi ang huwad at tunay…
Na sa propesyong ito…sila ang aking magiging gabay

Sinubukan kong haplusin ang kanilang katauhan.


Pati ang pagkatao ko sa kanila ay aking binuksan…
…Hanggang ang mga luha namin sabay naming di mapigilan
At ang paghagulhol ay malaya naming pinakawalan

Ganoon kagaling si Maam…at Ganoon siya katapang.


Hindi ininda ang pagkalugmok-patuloy ang paggapang
Sa kabila ng mga naranasang kabiguan-tuloy pa rin ang laban.
Para maipadama lang sa mga kabataan na ang buhay ay puno ng
kariktan.

Masakit tanggapin ang iginawad ng kapalaran


Na sa kabila ng pagtatagumpay ni Maam na mabigyang katotohanan
ang pangarap ng kabataan…
Katumbas naman nito ang pagkabigo ng sariling anak… na malasap
ang kaginhawaan...

Oo, iniidolo si Maam sa taglay niyang kahusayan.


Kaya tuloy naging makulay ang karera sa Kagawaran,
Subalit kapalit naman nito ay ang pagkawasak ng pamilyang
iniingatan.

Saludo ako sa dedikasyong ipinamalas ni Maam. Na sa loob ng


mahigit tatlumpung taon na umiikot lang ang kanyang buhay sa
gawaing pampaaralan,
Na halos 24/7 ang oras pa ang kanyang inilaan….
kaya tuloy ang sariling buhay ay nakalimutan-

Ilang taon na lang… lilisanin na ni Ma’am ang Kagawaran


Sa mga online na gawain lubusan man siyang nahihirapan
Subalit patuloy pa rin siyang nakikiiayon sa takbo ng kapanahunan
Dahil batid niya… na siya ang kadluan ng kaalaman..

Iilan lamang sila na aking nakilala na nagpamalas ng kadakilaan…


Guro sila! na naging tagapaghubog na bagong kabataan.
Subalit mga karaniwang indibidwal din sila na may kapaguran.
Na maaaring magkakamali…at maaaring masaktan.

Ngayon, nasisilayan ko ang dapithapon….sa pinasok kong


propesyon..
Pero pinatunayan ng pamunuan ang pagiging dinamiko sa ganitong
sitwasyon.
Na hindi sumuko sa ngalan ng edukasyon
Para sa mga kabataang sa bansa ay mag-aahon.

Ngayon… habang tanaw ang pagsikat ng bagong-umaga…


Napapangiti ako…nadama ko ang tuwa…
Kailangan kong maging matatag…kailangan kong maging dakila..
Sa pagkabahala at pagkabagabag dapat akong maging malaya…

Mapalad ako dahil isa akong guro!-


Ang kabutihan sa kabataan ipinunla ko sa kanilang puso…
Ang mga salita ko,y higit na pinaniniwalaan sa diwa ay tumimo…
Guro ako! … walang ligalig…walang siphayo!

Kaya…When…I grow old!


Magiging guro pa rin ako!
Mamatay man ako at Muling mabuhay…pipiliin ko pa rin ang
magiging guro!
Hindi na akoa natatakot sa dapithapon…dahil ang halimuyak ng
pagiging guro ay hawak ko na ngayon!

You might also like