Mapalad na nabigyan ng mga biyaya Isa na rito ang aking lolo’t lola, Na siyang kumumpleto sa aming pamilya
Sila ang aking pangalawang magulang,
Sa pagmamahal, hindi sila nagkulang Kanilang paalala, kahit may kalumaan, Aking sinusunod para sa kaligtasan
Matatanda man sila sa ating paningin,
Ngunit di nakakalimot pagdating sa mga bilin Ganoon kalinis ang kanilang hangarin, Mapabuti lamang lahat ng mga supling
Kaya’t abot langit ang aking pasasalamat,
Kay lolo’t lola, buhay ko’y naging sapat Paggalang sa kanila’y aking uunahin, Habang buhay ko silang mamahalin
Kaya’t aanhin pa ang yaman sa mundo,
Kung mayroong mapagmahal na lola’t lolo Kagandahang asal ang kanilang pamana, Na aking dadalhin hanggang sa pagtanda G-19 Rosales, Aila Marie A. 7D Mahinahon