You are on page 1of 2

Jay Lei E.

Cardillo
Grade 10 Newton
Mabangis na Lipunan
(Maikling Kuwento)
Mabilis na nilamon ng gabi ang buong Maynila, at maaaninag sa mga mukha ng mga
taong dumadaan ang pagod sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw.
Ang gabi ay hindi namamalayan ng labindalawang taong gulang na batang si Kardo na
nakaupo at namamalimos sa tabi ng lansangan. Para sa kanya, walang kabuluhan kung naroon
man o wala ang gabi.
MamaAle, palimos po, ang pagmamakaawa ni Kardo sa maraming mukhang
nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang ibang mga kamay ay hiwatig ng pagwawalangbahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas sa batang nagsusumamo.
Kahit barya po lamang , Ale pambili po ng pagkain, mahinang sambit ni Kardo.
Karaniwang sagot sa pakikiusap ni Kardo ay irap, pandidiri at pagkakasuklam.
Nakasanayan na ang mga ito ng batang si Kardo at walang magawa kundi ang umiyak at maawa
sa sarili.
Walang anu-anoy may grupo ng mga kabataang kalalakihan ang lumapit kay Kardo at
puwersahang inagaw ang kakarampot na barya sa kanyang lagayan na lumang lata.
May reklamo? Nakasisindak ang tinig ng lider ng grupo. Sabay sipa sa lata at may
kasama pang pananakot.
Maawa na po kayo sa akin, pambili ko po iyan ng pagkain nagmamakaawang sabi
ni Kardo. Sila ang mga walang kaluluwang nagmamalupit sa mga bata at matatanda na itinuring
na tahanan ang lansangan. Si Kardong walang kalaban-laban at puno ng pangamba sa
kabangisan ng lipunan. Kadalasay nakakatulog si Kardo na walang laman ang sikmura.
Pagsapit ng bukang-liwayway ay biglang nagising si Kardo sa narinig na mga kalabog at
sigawan ng mga tao. Nagtakbuhan at kanya-kanyang bitbit ng gamit ang mga taong lansangan.
Mga pulis pala ang mga dumating at hinuli ang mga ito. Sa tindi ng takot ay napatakbo si Kardo
at hindi namalayan ang mabilis na parating na sasakyan at sa kasamaang palad ay nabundol ang
batang si Kardo.
Pagkalipas ng ilang sandal ay hindi na naramdaman ni Kardo ang kabangisan sa
kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Hindi makaila na ang karamihan sa mga batang lansangan sa bansa ay biktima ng
kahirapan at pagmamalupit ng ibang kabataang naliligaw ng landas at nagsasamantala sa
kahinaan ng mga batang tulad ni Kardo sa mabangis na lipunan.

You might also like