You are on page 1of 2

Wakas, ng Panaginip na Hanggang Bukas

Sa mga nakalipas na oras at nagdaang panahon,


Alam naming wala itong katumbas na pagkakataon.
Lilim ng pag-asa ay inyong pinanghahawakan;
At ang buhay ng mga tao’y pinoprotektahan.

Malupit ang tadhanang dumating,


Animo’y bagyong sa hangi’y bumabagting.
Tumatali sa naghihikahos; gumagapos na para bang walang tapos.
Pawang tanikalang bumibigkis, na sa katawan, mistulang walang mintis.

“Oh sana, oh sana…” hiling ng lahat ay sana.


“Sana ay matapos na ang ating paghihirap
At bumalik na rin sa dati ang lahat.”
“Sana, sana;” ito’y akin ding hiling, na sana…

Ilang panahon na lamang ang gugugulin at ang dating pamumuhay ay manunumbalik din sa atin,
Pagkat sa tulong ng mga makabagong bayani, tayong lugmok sa hirap ay makakaahon ding muli.
Ang simpleng pasasalamat ay malaki na ring bagay, subalit hindi ito sapat sa mga naikripisyong buhay.
Gantimpala mula sa maykapal itong kalayaan, sa sakit na pumigil sa pag-unlad at buhay ng sangkatauhan.

Ngayon ay bigyan mo ako ng maliit na pabor. Muli mong basahin ang tulang aking nilathala subalit ay sa
mga unang letra lamang sa bawat linya ng aking katha.

Sa mga nakalipas na oras at nagdaang panahon,


Alam naming wala itong katumbas na pagkakataon.
Lilim ng pag-asa ay inyong pinanghahawakan;
At ang buhay ng mga tao’y pinoprotektahan.
Malupit ang tadhanang dumating,
Animo’y bagyong sa hangi’y bumabagting.
Tumatali sa naghihikahos; gumagapos na para bang walang tapos.
Pawang tanikalang bumibigkis, na sa katawan, mistulang walang mintis.

“Oh sana, oh sana…” hiling ng lahat ay sana.


“Sana ay matapos na ang ating paghihirap
At bumalik na rin sa dati ang lahat.”
“Sana, sana;” ito’y akin ding hiling, na sana…

Ilang panahon na lamang ang gugugulin at ang dating pamumuhay ay manunumbalik din sa atin,
Pagkat sa tulong ng mga makabagong bayani, tayong lugmok sa hirap ay makakaahon ding muli.
Ang simpleng pasasalamat ay malaki na ring bagay, subalit hindi ito sapat sa mga naikripisyong buhay.
Gantimpala mula sa maykapal itong kalayaan, sa sakit na pumigil sa pag-unlad at buhay ng sangkatauhan.

—Wakas, ng Panaginip na Hanggang Bukas


Isinulat ni Christina Marie B. Matibag
Noong ika-27 ng Abril 2021; 10:58 pm

You might also like