You are on page 1of 1

PANAHON NG PANDEMYA

Isinulat ni Lizavil Estares

Sa panahon ng pandemya,
Maraming buhay ang naiba,
Mga kasanaya'y di na muling magawa,
At karamiha'y nawawalan na nang pag-asa.

Kasiyaha'y napalitan na ng lungkot,


Lungkot na minsa'y humahantong sa takot,
Sapagkat kalayaan ay tuluyan ng naglalaho,
Agos ng buhay tila'y nagbago.

Sa bawat araw na lumilipas,


Maraming nasasayang na oras,
Samut-saring takot ang pinagdadaanan,
Takot na baka ikaw o ako ay mahawaan.

Ngayong panahon ng pandemya,


Sistema ng edukasyon ay nabago,
Isang pagbabago na bago lang sa mga tao,
Huwag lamang susuko sa labang ito.

Kay hirap man abutin Ang pangarap,


Sisikaping makamit ang aking minimithing pangarap,
Tayo na lamang ay manalangin, na;
Sana'y tuluyan ng mapuksa ang pandemyang nararanasan.

You might also like