You are on page 1of 1

"Agos ng Buhay"

By : Jeryl Zyn Benaid


Sa agos ng buhay, ilog ng pagasa,
Alon ng kalma, pag-asa'y makikita.
Ngunit hanggang dito, ba't tila'y nagtatagal,
Ang tanong sa isip, sa alon ba'y walang hanggahan?

Sa oras ng tahimik, pusong nag-tatanong,


Sa ilalim ng bituin, sulyap ng buwan.
Bawat saglit, tila'y isang kaharian,
Ngunit may pag-aalinlangan, hanggang kailan?

Sa paglipas ng araw,
Agos ng buhay, may bawat galaw.
Minsan ay saya, minsan ay lungkot,
Ang pag-ikot ng oras, di mabilang na misteryo.

Sa lalim ng ilog, sa masalimuot na dagat,


Buhay ay parang nobela, puno ng lihim at pagtataka.
May mga yugto ng ligaya at lungkot,
Pero sa bawat alon, may aral na naghihintay.

Hindi hanggang dito, pag-asa'y nandiyan,


Sa pag-urong at pag-angat, tapang ang bumabalot.
Agos ng buhay, tila'y isang masalimuot na pantig,
Sa kada hakbang, bagong pag-asa'y sumusulpot.

You might also like