You are on page 1of 2

Kenneth M.

Inui GREATWKS C33

Prof: Dr. Fanny A. Garcia 08/13/17

A. Tauhan at Panlipunang Isyu/Konsern

Ang aking napiling tauhan ay si Elsa, ayon kay elsa ang himala ay nasa puso ng
tao, nasa puso nating lahat, tayo ang gumagawa ng mga himala tayo ang gumagawa ng
mga sumpa at ng mga Diyos. Himala. Sa salitang ito umikot ang kabuuan ng pelikula.
Muling nanumbalik ang pag-asa ng mga tao ng nananamlay na bayan ng Cupang sa
kadahilanang nagpakita ang Mahal na Birhen na may sugat sa dibdib sa isang inosenteng
dalaga na si Elsa. Mula nang magpakita ito sa dalaga, nagkaroon na siya ng kakayahang
manggamot ng mga may sakit. Daan-daang tao ang dumadagsa sa kanya araw-araw
kung kayat naging laman siya ng mga pahayagan maging ang bayan ng Cupang. Ang
pagiging tagasunod kay Elsa ay nagbigay rin ng daan upang magkaroon ng kabuhayan
ang marami sa kanyang mga kababayan. Sa unay puro magagandang bagay ang
nangyayari sa buong kabayanan ngunit sa hindi malamang dahilan, naging sunud-sunod
ang kamalasan na nangyari sa mga tao.

Sa kasalukuyang lipunan mababatid mo kung paano umaasa ang mga mahihirap


nating kababayan sa himala na balang araw ay magbabago ang buhay nila. Pero hindi sa
lahat ng oras ay tila puro himala o swerte ang nangyayari sa buhay tulad ng lipunan
natin ngayon sa sobrang gusto nila mag bago ang bansang pinas naluklok sa pwesto si
Pangulong Duterte na noong una ay pawang mga paglulutas sa problema ng Pilipinas
ang sinasabi sa mga talumpati niya na nagging daan sa pagka luklok niya sa pwesto.
Samantalang ngayon ilan sa mga nagtiwala sa kanya ay kabaliktaran na ang
nararamdaman sa kabilaang patayan at sa pag asang mag babago ang bansang pinas
pero tila lumala pa ata lalo ang problema dahil sa kabilaang patayan.
B. Kaugnay ng mga tema

Kung paguusapan ang salitang pananampalataya para sa akin, ito ay kung


paano ka naniniwala sa isang bagay. Sa aking talang buhay naranasan ko na ang pag
ka wala ng aking pananampalataya dahil ito sa mga pagsubok na dumating sa akin na
kung titignan mo tila wala ng solusyon. Pero, kung ikaw ay lalaban kahit pa konti
konti tiyak na malulutas mo ang mga problema mo dahil kahit na maliit na bagay ang
gagawin mo para malutas ito magsisilbi pa rin itong hakbang tungo sa paglutas sa
problema.

Ang sining ay kadalasang tumutukoy o iniuugnay sa sining biswal. Patuloy na


nagbabago ang kaisipan sa kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang
pinakamaigsing kahulugan nito, tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing
pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing na may tuwirang ugnayan sa
pananatili ng buhay at pagsusupling. Mula sa isang malawak na pagpapalagay, isang
pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging malikhain,
na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao.

You might also like