You are on page 1of 2

Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero

Tanaw Pa Rin Ang Pag-Asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw
mong maririnig mula sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos
nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong
henerasyon na maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap
sa buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin


ang hindi nakakakita nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng
kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito,
ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay


sa mundo na kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay
sa mundong ibang-iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang
pag-asa. Hindi man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw,
mas magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

Link: https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-
kabataan/
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa

Ang kwento sa Bibliya na “Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa” ay hango sa Bibliya na matatagpuan
sa aklat ng Mateo kabanata 8 talata 23 hanggang 27 (Mateo 8:23-27).

Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga


alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo.

Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang


sinasakyan nila.

Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay


nilapitan at ginising siya.

“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”

Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y


natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”

Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang
mga alon, at bumuti ang panahon.

Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang


uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

Aral:

 Ang lahat ng bagay ay magagawa ng Diyos kung marunong lamang


tayong magtiwala sa Kanya.
 Huwag tayong matakot kung tayo man ay dumaranas ng mga pagsubok
o kabiguan sa buhay. Lagi nating tandaan na kasama natin ang Diyos at
maari natin siyang tawagan anumang oras.

Link: https://pinoycollection.com/parabula/#Pinatigil-ni-Jesus-ang-Bagyo-sa-
Lawa

You might also like