You are on page 1of 1

talumpati

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw mong maririnig
mula sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na
maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi
nakakakita nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa
ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na
kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man
sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang
mundo dahil sa kanila.

You might also like