You are on page 1of 1

Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” –


mga salitang halos araw-araw mong maririnig mula sa mga matanda.
sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘diba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang


kabataan ng makabagong henerasyon na maraming
alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa
buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon.


Marami sa atin ang hindi nakakakita nun dahil inaasahan
nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa
pinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan


natin silang mamuhay sa mundo na kinamulatan nila?
Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa
mundong ibang iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon,


tanaw parin nila ang pag-asa. Himdi man sa paraan na
ang ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas
magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

You might also like