You are on page 1of 1

TALUMPATI

Ang Kabataan

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” –mga salitang halos araw-araw mong maririnig
mula sa mga matatanda, sa dyip, sa kalye o maging sa palengke. Halos nakakabingi ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ng makabagong
henerasyon na maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay,
maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi
nakakakita nito dahil inaasahan nating maging katulad sila ng kabataan noon. Hindi pa
ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganon.

Ano sa tinign mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na
kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang iba na
rin.

Noong ako’y bata pa, ang aking nilalaro ay mga panglabas na laro tulad ng tagu-taguan,
trumpo, pogs at iba pang laro. Samantala ngayon, ang mga kabataan ay gumagamit na
ngaayon ng mga makabagong teknolohiya lalo na ang cellphone. Doon sila naglalaro ng
mga video games, at minsan naman ay gumagamit ng social media at hindi nila naranasan
ang mga larong ito noon.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi
man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, baling araw, mas magiging maliwanag
ang mundo dahil sa kanila.

You might also like