You are on page 1of 1

Ang Kabataan Ngayon

Sa paglipas ng panahon
Mundo ay tuluyan nang nabago,
Kabataa' y apektado
Sa bagong lipunang minulatan.

Kabataan noon ay respetado


Hindi matitigas ang mga ulo,
Laging magalang sa ama't ina
At sa mga nakakatanda sa kanila.

Kabataan ngayon ay babad sa social media


Naaapektuhan na ng teknolohiya,
Sa gawaing bahay ay tamad na
Kung utusan mo ay sisigawan ka pa.

Kabataan noon ay naglalaro pa


Ng patentiro, tumbang preso at iba pa,
Kabataan ngayon ay puro gadgets na
Nilalaro at kanilang libangan.

Nalulungkot akong isipin


Pero 'yan ay ating yayakapin,
Nakikita ko rin na hindi lahat
Pero karamiha' y nailamon na ng
makamundong gawa.

Kahit sa paglipas ng panahon


Mundo ay nabago,
Malaki man ang agwat ng pagbabago
Natutuwa akong may ibang kabataan pa rin na
may mithiin sa bayan.

You might also like