You are on page 1of 1

Enero 29, 2020

Awtput Blg IV-A


Layunin: Nakasusulat ng isang talumpating nanghihikayat at naglalahad ng mga kaisipan.

“Kabataan, pag-asa pa rin ba ng Inang Bayan?”

Hambog? Palasagot? Ugaling kalye? ‘yon na ba ang ugali natin ngayon? Cellphone at
kompyuter? Bakit iyon ang laging hawak na dapat sana ay libro at panulat? Paano pa natin
masasabing tayo anf pag-asa, kung kabaligtaran nito ang ating pinapakita? Kabataan, anon a ang
magiging ating kinabukasan, kung ipagpapatuloy natin ang ugaling ganyan?

Tanong ng lahat, kabataan pa rin ba ang pag asa ng bayam? Kung ako ang tatanungin, hindi
ko na alam. Ang henerasyon natin ngayon ay tunay na ngang taliwas sa nagdaang panahon. Habang
umuusad ang taon kasabay ng teknolohiya, tayong mga kabataan ay napag iiwanan na. Oo, hindi
tayo naiiwanan kung sa usaping modernosasyaon pero kung tutuusin, nasa hulihan na tayo
pagdating sa ugali at tradisyon. Ibang iba na! Ibang iba na tayo! Sa dinarami-rami ng kabataan sa
mundo, kakarampot na lang ang tunay na may utak at puso, Paano na tayo makakalilos, kung ang
mga mata at tenga ar laging nakabantay sa teknolohiya. Kung sa bawat galaw at kilos natin ay
nakadikit sa ating mga kamay ang mga gadget na para bang magnet na ayaw ng humiwalay sa
ating buhay.

Kabataan, hindi ka ba nababahala? Na sa bawat maling paggamit mo ng teknolohiya


naiimpluwensyahan nito ang buo mong pagkatao? Kung ang dating ikaw na konserbatibo ay
napasukan ng kalaswaan at kahalayan ang sistema mo. Na kung dating ikaw ay panulat at papel
ang hawak, ngayon ay gadget at pera ng isinasautak.

Kabataan, para na tayong preso ng sarili nating kulungan. Kinukulong natin ang ating sarili
sa modernosasyon ng teknolohiya. Na sa bawat liko ng iyong mga mata ay halos nagkikislapang
mga mga kamera ang naghihintay sa iyong pansinin sila. Sinisira nito ang kabuuan mo, hindi lang
emosyonal kung hind imaging pisikal at mental na aspeto mo. Mga matang nasira dulot ng
pagsosoyal midya. Mga kamay na pagod na, hindi dahil sa pagsusulat kung hindi sa kakagadget
ang hawak. Ang kabataan ngayon ay mahina, sa kanilang isip at damdamin. Hindi ko sinisisi and
teknolohiya kung bakit ang kabataan ay ganito, kung hindi tayo, tayong mga kabataan ang may
sala, dahil sa maling paggamit ng teknolohiya, ang dating ugali nang kabataan, ngayon ay paran
musmos na walang alam, nag-iba at pumangit na.

Ako, ikaw, tayo, kayong mga kabataan na nakakarinig ng tinig ko, uupo ka nalang ba dyan
at hahahayaang idikit at lamunin ng iyong sarili ang maling paggamit ng teknolohiyang bumabago
ng iyong ugali, ng iyong pagkatao, o kikilos at papatunayan sa matandang henerasyon,, na
maaaring hindi tayo ang pag asa ngayon, pero tayo ang magsisimula ng magandang pagbabago sa
ating henerasyon.

You might also like