You are on page 1of 1

MATINDING DULOT NG COVID-19 SA EDUKASYON

Noong nakaraang Marso 2020, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang
pagsasara ng lahat ng establisyemento at opisina sa buong Pilipinas upang maiwasan ang
pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang virus ay pinangalanang SARS-CoV-2
na nagmula sa Wuhan City ng bansang China noong Disyembre 2019. Ang nasabing sakit ay
nakakahawa at mabilis na kumakalat na nagresulta sa mahigit 6 na milyong tao ang namatay sa
kasalukuyan. Nagdudulot ng mga sintomas katulad ng sipon, trangkaso o pulmonya.

Ito ay isang pandaigdigang krisis sa kalusugan na lubos ding nakaapekto sa edukasyon sa bansa.
Bagama't ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng iba't ibang learning delivery modalities
tulad ng Modular (MDL print), Online (ODL) at blended learning. Hindi pinili ng ilan sa mga
magulang ang Online Distance Learning dahil na rin sa kakulangan ng pera para makabili ng
mga gadyet at load para sa internet kaya ang mga bata ay nagmodyul na lamang .
Napakaraming problema at pakikibaka ang naranasan ng Edukasyon sa Pilipinas. Ngunit sa gitna
ng pandemya, kailangang tiyakin ng gobyerno na nagpapatuloy ang edukasyon at pag-aaral.

Isa sa mga layunin ng edukasyon ay itaguyod ang mataas na kalidad ng pag-aaral at paunlarin
ang bata sa lahat ng aspeto, pag-uugali at pang-akademiko. Kaya kailangan na matupad ang mga
bagong pamamaraan sa edukasyon (New Normal).

Ngayong School Year 2022-2023 ay inalis na ang lockdown at community quarantine kaya
nagpasya ang DepEd na magkaroon ng pangkalahatang face to face classes sa buong bansa. Sa
unang kwarter, nag karoon ng pagsusulit ukol sa Regional Diagnostic Test upang suriin ang mga
natutunan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Nakalulungkot na may ilang mga bata
ang hindi nakapasa sa pinakamababang antas ng kasanayan. Nakaapekto rin ito sa pag-unawa sa
pagbasa ng mga mag-aaral kaya kailangan ng mga interbensyon partikular sa mga proseso at
kasanayan sa literatura, pagbilang at agham.

Bukod dito, ang mga nasa matataas na opisyal, mga guro, mga magulang at mga mag-aaral ay
dapat magtulungan upang mapahusay ang kakayahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Noong
nakaraang Marso, 2023 ang Regional Mid-Year Assesment ay isinagawa din upang matukoy at
masuri ang mga hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga seminar tungkol sa Education
4.0 ay dinaluhan ng lahat ng mga guro upang magamit ito na istratehiya at pamamaraan sa
pagtuturo. Naglabas ng bagong agenda si Deped Secretary Sara Z. Duterte-Carpio ang “Deped
Matatag- Bansang Makabata, Batang Makabansa” dahil nais niyang magkaisa ang lahat at
magkaroon ng matatag na puso at kaisipan hinggil sa Edukasyon.

You might also like