You are on page 1of 4

TENJI AT ANG HANGAL NA MAGKAPATID

May mga nilalang sa ating daigidig na kay hirap masukat ang kanilang kagalingan minsan hindi
natin matumbasan ang kanilang kalakasan isa na rito si Tenji isang nilalang na napaka matipuno,
matikas at napakagandang lalaki na kahit sinong babae ay kaya niyang pa ibigin kung gugustuhin
nya, siya rin ay ubod ng lakas, ang makakapantay lamang sa kaniyang lakas ay ang kanyang mga
anak at si bathala ,kaya niyang gumawa at wumasak ng isang planeta at kaya rin niyang pumatay
ng libong libong tao sa pamamagitan lamang ng kanyan pag ihip ganyan siya kalakas.Ngunit hindi
lamang panlabas na anyo ang maganda kay Tenji siya rin ay nagtatagalay ng busilak na kalooban
,matulungin,mabait,may malasakit sa kapuwa at higit sa lahat ay may pananalig at may takot kay
bathala kayat hindi na kataka taka na siya ang ipinagkalooban ng ganitong kapangyarihan ni
bathala ,ngunti bago niya nakamit ang kaniyang mga tinatamasa ngayon siya ay dumaan ng
napakaraming mga pagsubok at paghihirap.Noon ay isang mahirap lamang na mamamayan Tenji,
ang kaniyang ama na si Polestro ay isa lamang mangingisda at sapat lang kinikita niya sa pang
araw araw nilang pagkain ,ang nahuhuling isda ni mang Polestro ay inilalako ni Tenji sa kanilang
bayan ang kaniyang ina naman na si Shymphia ay nagsisilbi sa hari .Sila ay nakatira sa
napakagulong lugar,ito ay nababalot ng kasamaan at kasalanan,kilala ito sa tawag na "MENIOS"
,maliit lamang ang kanilang tirahan kayat masasabi mong si Tenji ay isang dukha lamang ,ang
bayan na kanilang pinagtitirahan ay pinamumunuan ng isang hari ,na si Costuer ang nilalang na ito
ay napaka bagsik lahat ng kinikita ng mga tao sa kanilang bayan ay napupunta sa kanya, ang mga
tao ay walang magawa gusto man nilang manlaban ay natatakot sila dahil alam nila na kapag
lumabag sila sa utos ng hari tiyak sila ay kikitilan ng buhay.Isang araw nangisda si mang Polestro pag
uwi niya ay may dala siyang mga isda at maaari itong ilako ni Tenji kayat kinuha niya ito at inilibot sa
buong bayan maaga pa lamang ay naubos na ang paninda ni Tenji ngunit, sa hindi inaasahan ay
nakasalubong niya si haring COSTUER at alam niya na lahat ng kinikita ng bawat mamamayan sa
kanilang bayan ay kinuha niya Nagpatuloy lang sa paglalakad si Tenji at hindi niya pinansin ang
dumaang hari, dahil sa kakaibang kilos ni TENJI napansin ito ng hari batid niyang may itinatago si
Tenji kayat sinabi niya sa kaniyang mga kawal na huliin at kunin ang kinita niya"akin na ang kinita
mo" tugon ng mga kawal ngunit hindi pa rin huminto si Tenji sa paglalakad tila bang wala siyang
naririnig ,dahil sa sobrang inis ng hari siya mismo ang kumuha sa kinita ni Tenji at pagalit niyang sinabi
sa kawal na "dalhin yan sa ating palasyo at paparatungan ko siya ng isang mabigat na parusa",ang
tinutukoy ng hari na mabigat na parusa ay ang kamatayan.Kina umagahan inilabas si Tenji sa
kaniyang piitan at hinarap sa maraming tao dahil ang araw na iyon ay ang araw na pagkitil sa
kaniyang buhay hindi makapalag si TEnji wala siyang magawa kaya tinanggap na lamang niya ang
kaniyang kamatayan."Nakikita niyo ba ang hangal nalalaking ito, kung ayaw nyung matulad sa
kaniya ay huwag niyo ng tangkaing lumaban pa"pasigaw na sabi ng hari, nang aakmaing
bubunutin ng hari ang kanyang espada ay tila ba may kung anong nangyari sa itaas kayat nabaling
ang atensiyon ng lahat sa kalangitan ,nagliwanag ito at lahat ay nasilaw at tila ba nay kung anong
boses ang lumitaw at nagwika na "Ako si Bathala,sa tingin mo ba ay tama ang ginagawa
mo?,napakasama mong tao napakarami ng tao ang nagluksa ,napakarami ng tao ang nagbuwis
ng buhay ,dapat ikaw ang mawala sa mundong ito ,hindi kaba nahihiya, hindi kaba
nangangamba? ,at ngayon bilang parusa si Tenji mismo ang kikitil sa iyong buhay". Binigyan ni
bathala ng kapangyarihan si TENJI sa sobrang inis at inggit ni COSTUER ay hinamon niya si Tenji ng
isang dwelo at sila ay nagumpisang maglaban, punong puno ng saksak sa tagiliran si Costuer
,"sumusuko na ako Tenji, patawad sa mga nagawa ko sa inyu idinidiklara na kitang
panalo"pagmamakaawang sabi ni costuer,sa bandang huli ay natalo ang masamang si haring
Costuer at ang lahat ng mamamayan sa MENIOS ay nagdiwang.At sa araw ding iyon ay itinalaga
na si Tenji na ang magiging bagong pinuno o hari ng kanilang bayan at sila ay nagpugay dahil
nakalaya na sila sa marahas na pamamalakad ni haring COSTUER .May mga itinalagang bagong
kautusan si Tenji sa kaniyang bayan upang mas maging maayos ang kanilang pinagtitirahan , isa na
rito ay huwag silang magmahal ng ibang diyos dapat ay isa lamang ang kanilang pahahalagahan
at mamahalin at iyon ay si bathala ,pangalawa at huli huwag na huwag gumawa ng mga
masasamang gawain kagaya ng pagnanakaw,pagsusugal at iba pa at alam niya na ang lahat na
ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang nasasakupan.Lumipas ang mga araw at tila bang
napakaraming mga problema ang dumating sa bayan ng MENIOS,dumating ang problemang di
nila inaasahan ito ay ang pagkakasakit ng mga tao dahilan ng walang makain ,sa sobrang abala ni
Tenji ay hindi niya na nabigyan ng oras ang kaniyang mga magulang kayat ang mga ito ay
nagtampo sa kaniya "mahal kung anak bumalik kana sa ating bahay sanay makapiling ka namin
muli ,ikakamatay ko kung hindi mo na kami kayang puntahan",pagmamakaawa ng kaniyang ina
ngunit nagpaliwanag si Tenji sa kaniyang tungkulin at naintindihan naman ito ng kanyang mga
magulang.Buti na lang ay mayroong siyang katuwang sa pamamalakad ng kanilang bayan at kahit
papaano ay naibsan ang kaniyang pagod at alalahanin salamat kay Plore.Sa sobrang daming
problema na dumating sa kanilang bayan ay napagpasiyahan niya na magpahinga at magnilay
nilay at alam niya kung saan at ano ang dapat puntahan ang lugar na ito ay malayo sa kanilang
bayan ngunit ito ay napakaganda, walang tao ,at napakapayap talagang makakapagninilay ka sa
lugar na ito at tinatawag nila itong DAKO PAROON. Bago lumisan ay nagpaalam mo na si TENJI sa
kaniyang mga magulang at pumayag naman ang mga ito dahil alam nila na kailangan ito ni Tenji
upang makapagisip isip at makapag pahinga,ipinagkatiwala ni Tenji ang isang linggong pamumuno
kay PLORE at pumayag naman ang kaniyang pangalawang kamay .Umalis si TENJI ng mag isa dahil
ayaw niyang may gumambala sa kanyang pagpapahinga,at sa pag alis naman niya ay siya
namang pagpupunyagi ni PLORE dahil siya ang mamumuno ng isang linggo at para sa kaniya ay isa
itong napakalaking karangalan.Hindi alam ni Tenji na si PLORE ay may kasamaang pag uugali, sa
umpisa pa lang ng kanyang ppamumuno ay nagpagawa na siya ng kaniyang rebulto at inutos niya
na kailangan nila itong sambahin ,at pwede ring mag sugal dahil ayon sa kaniya na ito ay
masayang gawain at kung sino man ang makita ni PLORE na lumabag sa utos niya ay kaniyang
papaslangin,lumipas ang mga araw at kailangan ng bumalik ni Tenji sa kaniyang lugar dahil alam
niya na sapat na ang oras at panahon na iginugol niya sa dako paroon upang makapagnilay
nilay.Nang makarating siya sa kaniyang bayan ay nanlaki ang kaniyang mata, nakita niya na ang
lahat ay lumabag sa kaniyang utos may mga taong nagsusugal ,may mga taong umiinom ng tapa
tapayang alak at sumasamba ba sila sa rebulto ni COSTUER sa sobrang galit ni Tenji ay nawasak niya
ang kaniyang bayan ginamit niya ang kanyang paa itinapak niya ito sa lupa kayat yumanig ang
bawat paligid at tuluyan silang nilamon ng lupa. Hindi inaasahan ni Tenji ang kaniyang makikita, sa
sobrang galit niya ay nawala at namatay ang lugar na noon ay payapa sa kaniyang pamamalakad
,masakit man kay Tenji ngunit ito ang nararapat gawin.Namuhay siya ng isang daang milyong taon
na mag isa sa kaniyang binuong planeta na tinawag niyang HOBREX ,dahil ayaw niyang balikan
ang planetang nabalot ng kahihiyahan at kasamaan ngunit ng isang gabi napaisip siya na bakit
hindi siya gumawa ng kaniyang mga anak upang maging kasama niya sa kaniyang pagtira sa
kaniyang planeta.Binuo niya ang kanyang magiging ,ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa tapat
ng putik at unit unti itong lumaki at naging kaniyang kawangis dito nabuo ang kaniyang anak na
pingalanan niyang ASHURA at INDRA,ang magkapatid na ito ay may kakaiba ring mga
kapangyarihan,marami silang pagkakapareho kagaya ng itsura ,kapangyarihan at iba pa ngunti
may isang bagay silang pagkakaiba at ito ay ang paguugali .Si Ashura ay masasabing
mayabang,mapusok at pilyong anak taliwas naman ito kay Indra ,siya ay mabait at may takot siya
kay bathala ,namuhay sila ng matiwasay at palagi silang nagkakasiyahan.Minsan ay nag tanong
ang dalawang magkapatid kung bakit sila lamang ang nilalang sa mundong nilikha ng kanilang
ama at isinalayasay lahat ito Tenji ang bawat nangyari kung bakit sila lamang ang nilalang sa
mundo ,humiling si ASHURA sa kaniyang ama na lumikha pa siya ng isang nilalang na kung saan ay
matatawag nilang isang ina,at dahil mahal na mahal ni TENJI ang kaniyang anak ay pumayag ito
kayat gumawa siya ng isang nilalang namay pangbihirang kapangyarihan si ,Kaguya ng tatlong
mag ama ay may kakaiba ring kapangyarihan si KAGUYA at bukod sa siya ay makapangyarihan
nilikha siya ni Tenji na may pambihirang kagandahan ,ang dalawang magkapatid ay namangha sa
sobrang ganda ng kanilang ina tila ba bumilis ang tibok ng kanilang puso ,sila ay nabighani ni
KAGUYA.Ang kagandahang ito ay maaring gamitin ni kaguya kahit sa sino man isa ito sa kanyang
kapangyarihan ang mangakit ,ginawa ni TENJI si kaguya at binigyan ng ganitong kapangyarihan
upang subukan ang katapatan ng dalawang magkapatid."Isa lang ang nais ko sa inyo ,huwag na
huwag kayong magpapatukso at huwag na huwag niyong susubukan na mahalin ang inyung
ina,mahilan nyu lamang siya bilang pamilya"at nanahimik na lang ang magkapatid .Isang araw
lumisan ang kanilang ama ,naisip kasi ng kanilang ama na gumuwa ng panibagong planeta upang
sa gayon ay kanilang pag tirihan dahil nagsasawa na siya rito , ang gagawin nyang iyon ay
kakailanganin ng sapat na panahon at oras upang siya ay matapos,kayat ibinilin ni Tenji kay ASHURA
na bantayan niya ang kaniyang ina at ang kaniyang kapatid at naglakbay na nga si TENJI papunta
sa lugar na kaniyang pagtatrabahoan ,hindi alam ni tenji na may binabalak ang kaniyang anak na
si ASHURA."Ina mayron akong nais ipaalam sa inyu sanay huwag nyu po akong pagalitan","ano ba
yan mahal kung anak hindi ako magagalit sayo,"tugon ng ina kalilikha palang sayo ni ama ay
nabighani na ako sa inyong kagandahan " wika ni ASHURA ,sumagot ang kaniyang ina "hindi kita
maintindihan? ano ang iyong ipinapahiwatig" ,""may lihim akong pagtingin sa iyo "sagot ni
ashura.Nanahimik ang dalawa at tila huminto ang oras ,hindi nakaimik ang dyosa bagkus siya ay
lumayo dahil batid niya ang maaring mangyari kung sumaway siya sa kaniyang asawa.Kinagabihan
ay nagpasiyahan ni ASHURA na humingi ng tawad sa kaniyang ina ,"INA patawad sa aking nasambit
kanina ,hindi ko batid kung bakit ako nagkakaganito at sanay huwag niyo po akong isumbong kay
ama "pagmamakaawa ni Ashura,"huwag kang maingay baka marinig tayo ng iyong kapatid ,oo
hindi kita isusumbong sa totoo ngay may lihim din akong pagtingin sayo hindi lamang sa iyo pati na
rin sa kapatid mo,unang kita ko palang sa inyung dalawa ay nabighani na ako,nais ko mang
imungkahi sa inyung ama ay batid ko ang mangyayari ,kayat minabuti ko na lamang na ito ay
kimkimin", sagot ng dyosa bakas sa mukha ni ZED ang tuwa dahil ang kaniyang minamahal ay may
pagtingin din pala sa kanya.Dahil sa bugso ng damdamin ay bigla na lamang hinalikan ni ZED si
Kaguya nilasap nila ang labi ng isat isa,ngunit biglang umatras si kaguya at nagwika ng ,"baka
marinig tayo ng iyong kapatid at isumbong tayo sa iyong ama kayat binigyan ni zed ng orasyon ang
higaang pinagtutulugan ng kaniyang kapatid upang hindi sila marinig at makita nito,at
ipinagpatuloy nila ang kanilang ginagawa. Lumaban ng halik si kaguya at tila ba may kung anong
init ang dumako sa kanilang katawan ,ang lugar ay nabalot ng kapusukan tila ba hindi sila matapos
sa kanilang ginagawa,hanggang sila ay nagsiping at tuluyan na nga silang nilamon ng kasamaan
,dahil sa sobrang pagod sa gabing iyon ay minabuti nilang magpahinga bumalik si zed sa tabi ng
kaniyang kapatid ng may ngiti sa labi at sila ay nagpahinga na.Kina umagahan ay panay ang
titigan at bakas sa kanilang ngiti ang sarap na natamasa nila kagabi sa kanilang mga sarili .Nagtaka
si INDRA ngunit ito ay isina walang bahala lang niya,kagaya ni Ashura ay nagtapat rin si indra ng
kaniyang pag ibig kay kaguya ,"Aking ina akoy nabighani sa iyong kaggandahan ,minamahal na
ata kita"sambit ni INDRA hindi nakaimik si kaguya dahil ang dalawa niyang anak ay umibig sa
kaniya,dahil sa bugso ng damdamin ay hinalikan ni indra si kaguya at lumaban din ito ng halik
,dumako sa kanilang kalamnan ang init ng pagmamahalan kayat hindi na nila natiis ,sila ay
nagsiping.Walang kaalam alam si Tenji sa lahat ng nangyayari sa kaniyang pamilya;hinanap ni indra
ang kanyang kambal upang ipaalam niya ang nangyari sa kanila ni kaguya, Lumapit si indra kay
ashura ''mahal kong kapatid sanay mapatawad mo ako ,lumabag ako sa utos ng ating ama
,minahal ko si KAGUYA at may nangyari sa amin" ,sambit ni INDRA nagulat ang kaniyang kapatid
dahil hindi niya akalain na magagawa yun ni indra dahil niya na ito ay mabuting tao,"kapatid ko
hindi lang ikaw ang nagkasala ,minahal ko rin si kaguya at may nangyari sa amin"sambit ni
ashura.Nagplano ang magkapatid ,inisip nila kung ipapaalam nila ito sa kanilang ama ay magagalit
ito at baka ito pay ikapahamak nila kayat minabuti na lamang nila itong isang maging lihim.
Inalagaan nila ng husto si kaguya,dahil alam nila na ang dinadala nito ay kanilang mga
anak,Dumating na nga ang takadang panahon ng pagsaling sa kanying anak,bigla na lamang
lumabas sa kaniyang sinapupunan ang dalawang malulusog na bata ng walang kahirap hirap.Ang
unagn lumabas ay isang lalaking sanggol na pinaniniwalaan nila na ito ang anak ni ASHURA dahil
kawangis niya ito,pinangalanan ni marim ang kaniyang na OILYNX, dahil ang kaniyang
kapangyarihan ay nanggagaling sa langis at dito niya pinaglihian kaniyang anak,ang isa naman
niyang anak ay si nagngangalang AQUARINA namana naman nito ang kagandahan ni kaguya ang
kaniyang kapangyarihan ay nagmumula sa tubig dahil dito sya ipinaglihi ng kaniyang ina.Mabilis
ang pag laki ng dalawang magkapatid ,sa murang edad pa lamang ay nakakasira na sila ng mga
bagay bagay kagaya ng puno ,isa rin ito sa namana nila sa kanilang mga magulang ang isang
pagiging makapangyarihang nilalang ."Sa wakas natapos ko na rin naibalik ko na sa dati "Sambit ni
TENJI ,kaya pala nagtagal si tenji ay dahil ginawa niya ulit ang dating niyang bayan,tinayo niya ang
mga tirahan at ibinalik niya ang mga taong nadamay sa kaniyang pagkagalit noon,nakakalungkot
isipin na ang kabutihang binibigay ni tenji sa kaniyang anak ay hindi nasusuklian ng kabutihan
bagkus ay pinagtataksilan at pinagkakaisahan siya ng kanyang pamilya.Oras na ng pagbabalik ni
tenji dahil sa wakas ay natapos niya na ang kaniyang nais gawin , sa kabilang bayan naman sa
tirahan nila ashura ay tuloy ang kanilang pamumuhay puro sila kasiyahan, wala silang kaalam alam
na sa araw na iyon ay matutumbasan ng kalungkutan at pighati ang kanilang mga damdamin.
Naglakbay si Tenji at mabilis siyang nakarating sa kanilang lumang tirahan, napakunot noo ito at
nagtaka sa kaniyang nakita ,dahil noon ay tatlo lamang ang nakitira sa kkaniyang tahanan at
ngayon ay lima . "Ano ang ibig sabihin!?"nito pasigaw na sambit ng kanilang ama ,walang umimik
silang lahat ay nanahimik at bakas sa kanilang mukha ang tako`t .Gumawa ng paraan ai ashura
siya ay nagsinungaling winika niya sa kaniyang ama na "kami ang gumawa sa mga nilalang na ito
ginamit namin ang aming kapangyarihan upang gumawa ng mas marami pang kagaya natin ,diba
indra" at tumango naman ang kaniyang kamabal masakit man sa damdamin ni indra na hindi
sabihin ang totoo ay kinaya niya ito dahil ayaw rin niyang mapahamak at upang maprotektahan na
rin ang kaniyang pinakakamamahal na anak sa nagbabadyang maaring mangyari.Nakahinga ng
maluwag ang kambal at si kaguya dahil napagtagumpayan nila ang paglilihim sa kanilang
kasalanan,ang buong araw ay napuno ng kamustahan dahil sa sobrang haba ng kanilang hindi
pagsasama ay marami silang baon na kwento,hanggang sa ipinaalam ni tenji na sa susunod na
buwan ay lilipat na sila ng tirahan dahil ito ay tapos na at maari ng gamitin . Napagod ang lahat sa
kamustahan at kuwentuhan kayat napagdesisyonan nila na magpahinga ,hindi mapakali si ahura sa
mga oras na iyon, siya ay nakakahilong tignan kaliwa kana ang kanyang paglalakad ,dahil
nakokonsensya siya sa ginawa nilang pagsisinungaling kayat nagdesisyon na siya sa kaniyang sarili
na aminin na ito sa kanyang ama"mahal kung ama patawad sa aming nagawa ,hindi namin batid
kung bakit namin nagawa sa inyo yun patawad ama "mangiyak ngiyak na sambit ni indra "hindi kita
maintindihan mahal kung anak ,ano ang nais mong ipabatid sa akin ?" nagtatakang tanong ni Tenji
,"ama ipangako mo sa akin hinding hindi ka magagalit"sabi ni indra "oo pangako mahal kung anak
"sagot ng kaniyang ama na walang kamalay malay sa pangyayari ."lumabag kami sa inyung utos
nagmahal kami kay kaguya at ang aming pagmamahalan ay nagbunga patawad aking ama" ,
pautal utal na sambit ni Indra ,ano galit ?!na sabi ni tenji hindi na siya nakapagpigil hinanap nya sila
KAGUYA AT ashura kinaladkad niya ang mga ito at sila ay nagusap ."Totoo ba ang sinabi ni indra sa
akin SAGOT !,pasigaw na sambit ni tenji,tila isang bulkang sasabog na ang emosyon ni tenji sa mga
oras na iyon ,"Dahil sa ginawa niyo ay kailangan nyung mamatay. bilang kabayaran sa paglabag at
pagkakasala nyu sa akin at lalo na kay bathala alam ko na alam niyu na aking mahigpit na
ipinagbawal ang pagmamahal kay kaguya ngunit nilabag niyo ako kayat ito ang nararapat sa inyu.

You might also like