You are on page 1of 4

Mga Obra ni Robert Ong

“Kapitan Sino” by Bob Ong

“Lagi nyang pinaghihiwalay ang basura nila ayon sa kung alin ang aakuin at alin
ang ibibintang sa kapitbahay.”
“Kung ano yung meron ka ibinabahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo
ginagawa mo. Yun yon e! Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada?
Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas
ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina…”
“Kaya sa hinaharap mag-iimbento ako ng maliit na teleponong meron nang
camera, radio, calculator, kalendaryo, at saka iba pang mga bagay na hindi naman
importante.”
“Sa sandaling may kumilos na pwersa ng kabutihan, meron at merong tatapat
ditong pwersa ng kasamaan.”
“Maraming magkakagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano
ang itsura mo.”
“Sabi ni exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay hindi nakikita ng
mata.”
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag sa nakakakita? Hindi alam ng mga
nakakakita kung kelan sila bulag.”
“Bakit may mga mag-asawang tulad nina Aling Baby at Mang Boy, na sabi-sabi ng
mga tao e mukhang bakulaw’, pero masya naman sa piling ng isa’t-isa; at bakit
maraming gwapo at maganda na nauuwi lang sa hiwalayan?”
“Hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang
tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
“Walang bayaning makapagliligtas sa Pelaez, dahil ang pinakamalaking` kalaban
ng Pelaez ay ang sarili nito.”
“Walang pag-asa ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang na
magliligtas sa kanila.”
“Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa
mo.”
“Tutulong ka lang sa kapwa, hindi mo kailangan ng pangalan.”
“Sa pagiging Kapitan Sino ko lang naisip na ang tanong ay hindi kung bakit
magulo ang mundo, kundi kung ano ang magagawa ko.”
“Kung lahat ng tao ay may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo ay bayani. Kung
lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani.”
“Hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi
pahirapan ang ibang tao.”
“Walang namang napapala ang bayani kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod
nya. Ang pagrespeto sa bayani, pagrespeto sa mga ipinaglaban nya. Pangalagaan
mo ang kalayaan, o ang magandang buhay na pangarap nya para sa lahat.”
“Alamat ng Gubat”

Paglalarawan sa kalagayan ng lipunan na iyong ginagalawan


ang makulay na aklat na ito ni Uncle Bob. Isang buhay ng isang tipikal
na Pilipino na naghahanap na tunay na kahulugan ng lipunang kanyang
ginagalawan na nasa katauhan ng ating bidang talangka na si Tong.
Pagkakasakit ng hari ang siyang magiging malalim na dahilan ng
paghahanap ni Tong ng puso ng saging na sinasabing
makapagpapagaling raw sa malubhang sakit ng hari.

    Sa kanyang paglalakbay sa gubat mula sa karagatang kaniyang


pinagmulan ay makikilala niya ang mga naghahari harian sa gubat na
sina Buwaya, Leon, Palaka, at Tipaklong. Lahat sila'y may iisang
pakilala na sila ang Hari ng kagubatan kaya naman nananatiling magulo
at baha-bahagi ang mga hayop sa Kagubatan.

    Sa bandang huli ay makikita rin ni Tong ang nasabing puso ng


saging na siyang inaasam asam ng maraming hayop sa kagubatan. Si
matsing ang tutulong sa ating bida para makilalang lubos ni Tong ang
tunay na kahulugan ng buhay at ng lipunang kaniyang ginagalawan.

You might also like