You are on page 1of 1

Amang 

Mapagmahal,Amang Mapaghangad 
(Saknong 84-104) 
 
 
Gerero'y nang ito'y marinig 
pinagbaling-baling sa gubat ang titig 
Nang walang makita'y hinintay umulit, 
Di naman naglao'y nagbagong humibik. 
 
Ang bayaning Moro'y lalo nang nagpamaang, 
"Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?" 
lumapit sa dakong pinanggalingan 
Ng buntunghininga't pinakimatyagan. 
 
Inabutan niya'y ang ganitong hibik: 
"Ay,mapagkandiling amang iniibig! 
bakit ang buhay mo'y naunang napatid 
ako'y inulila sa gitna ng sakit. 
 
"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin 
Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, 
parang nakikita ang iyong narating...  
Parusang marahas na kalagim-lagim. 
 
"At alin ang hirap na di ikakapit 
Sa iyo ng Konde Alfonsong malupit? 
Ikaw ang salamin-ng Reyna-ng mabait 
Pagbubuntungan ka ng malaking galit. 
 
"Katawan mo,Ama parang namamalas 
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap; 
pinipisan-pisan at iwinawalat 
Ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab. 
 
"Ang nagkahiwalay na laman mo't buto, 
kamay atkatawang nalayo sa ulo  
Ipinaghagisan niyong mga lilo 
At walang maawang maglibing ng tao. 

You might also like