You are on page 1of 1

Ang Tunay na Bayani ni N.C.

Avelino

Mahalaga kaya sa buhay ng tao

Katanyagan, kapangyarihan, o ginto?

Ang taong nagnanasa sa lahat ng ito

Tunay na makasarili, di-nagpapakatotoo.

Dapat bang lagi magsunog ng kilay

Upang makamit ang mithiin sa buhay?

Dapat bang sipag at tiyaga lamang

Gawing sandigan at siyang puhunan?

Saan naroroon ang bayaning tunay?

Doon sa lansangan, ang sandata walis

Bakit bayani ang gayong hanapbuhay?

Nagpapakahirap upang bayan ay luminis.

Ano ang halaga kung bayan ay malinis?

Ang bayang malinis hatid ay kalusugan.

Kung iyan ay makamit, ano pa ang nais?

Gamitin ang lakas, paunlarin ang bayan.

You might also like