You are on page 1of 1

Earl Vincent A.

Sales
BSEE 2-1

Ang aking limang katangian ng kabayanihan

Maraming paraan upang mahirang na isang bayani , merong nagbubuwis ng


kanyang buhay para maipagtanggol ang sariling bayan . Ngunit hindi lamang ito
ang batayan meron din naming mga tao na mhihirang na bayani dahil sa kanilang
nagawa sa kapwa. Narito at akoy kumuha ng limang katangian na magpapatunay
na isa kang tunay na bayani. Mabait , Matapang , Makadiyos , Makabayan at higit sa
lahat ay ang pagiging mapagmahal.

Mabait sa pagiging mabait kaakibat nito ang pagiging mapagbigay sa kapwa , at


ang kahandaang tumulong sa kapwa sa kahit ano mang kalagayan o sitwasyon sa
mga simpleng pagtulong mo upang mapagaan o guminhawa ang buhay ng iyong
tinutulungan ay maituturing ng kabutihan .
Matapang ang katanpangan ay maituturing din na kabayanihan hindi sa
pamamaraang pag aalipusta sa kapwa kundi sa pagiging matapang sa ano mang
kalaban na sasaktan ang iyong kapwa o kababayan man. Ang katapangan din ay
pag papakita ng lakas sa ano mang hamon sa buhay.
Makadiyos ang pagiging makadiyos ay isa sa pinakamahalang sangkap upang
maituring na isang bayani dahil kung ikay may takot sa diyos ay di gagawa ng ano
mang masamang bagay at maari pang ikaw ay maghatid ng kabutihan sa kapwa.
Makabayan- tulad ng ating mga bayani , na naging makabayan para bigyan ng
katarungan an gating bayan . Sana ay tayo ay maging tulad nila na hindi ikinahihiya
ang sariling bayan. Kung saan tayo ang dapat nagtatanggol dito. Ang pagiging
makabayan ay pagmamahal sa ating bayan.
Pagmamahal ang huling sangkap na aking naisip na isa rin sa importante , dahil
kung meron ang lahat ng tao ng ganitong katangian ang pagmamahal sa kapwa
maging sa sariling bayan ay tiyak ang pagunlad ng ating bayan.

Itong mga katangian na to ang maaaring maituring na kabayanihan dahil itoy


naghahatid ng kabutihan at pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng karamihan.

You might also like