You are on page 1of 1

ANG TANDANG SORA

ANGEL CONS S. KEBENG

Sa lugar ng Balintawak,
Isang bata ang iyong mahahanap.
May angking talino at talento,
Na hindi lahat ay mayroong ganito.

Tinaguriang Reyna Elena ng bayan,


Tuwing sasapit ang Mayo.
Ikinasal sa isang cabeza de barrio
At biniyayaan ng anim na hijo de Dios.

Subalit sinubukan ng panahon,


Naging matapang at matiyaga
Tinanggap ang isang posisyon
Na maging hermana mayor

Sa panahon ng rebolusyon
Isa sa mga tumulong.
Pagkain at dasal ang ibinigay
Sa lahat ng nangangailangan.

Sakripisyo ay kanyang ginawa


Sa ating kapwa na nakikipaggyera.
Nahuli man at ikinulong
Ngunit naging matapang at matapat.

Pinangalanang Ina ng Himagsikan


At kailanman ay hindi kinalimutan.
Kapwa mamamayan,
Kaya mo rin bang maging matapang?

You might also like