You are on page 1of 1

Bayan muna bago sarili Ni consolacio p.

sauco
Sa puso at diway dapat na mahasik, Lukol sa bayay wagas na pag-ibig Kung dahil sa kanya buhay ay mapatid Ariling ligaya at tunay na langit Unahin ang bayan bago ang sarili, Marapat lingapin ng buong pagkasi ihandog sa kanya ang buhay na iwi sa isang tawag niyay huwag mag-atubili. Iwaksi sa puso anf pagkagahaman, Gawaing taksilat katampalasan, Pag-ibig sa bayay maging sulong tanglaw, Kung ang kaisipay balot ng karimlan. Sa kislap ng pilak ay huwag masilaw, Sa kaway ng tukso di dapat patangay Pusot kalooban ay maging matibay Ang panatilihin ay budhing marangal. Ang kapakanan ng bayay isaisip, Masasamang hangariy di dapat manaig Dapat taluntuning landas ay matuwid, Pag-asa ng bayang pinakaiibig. Pag-unlad ng bayan ay pagsumikapan Buong makakaya sa kanyaty lalay, Lilong adhikain ay wag bigyan daan Dapat isadiway tagumpay ng bayan. Itakwil sa puso ang pansariling hangad, Unahin ang bayan oagkat siyang marapat, Dapat manaig ang pusong busilak Dakilang layunin dapat na matupad. Ang bayay malugmok sa dusa, Sa pagdaralita sa walang pag-asa, Dahil sa mga taong mapagsamantala. Ihandog sa bayan ang makakayanan, Maglingkod nang tapat at may pagmamahal, Ang mga bayani ay dapat na tularan Alaal nilay maging sulong tanglaw

You might also like