You are on page 1of 13

AKADEMIKONG

SULATIN
ANO ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT?
Ang Akdemikong Pagsulat ay mga sulating may malinaw na daloy at
ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas
ng paksa. Wika ang siyang pangunahing sangkap sa pagbuo nito.Taglay
nito ang mataas na antas at gamit ng isip upang maipahayag ang ideya
bilang batayan ng karunungan. Kinakailangan na mayroong malawak na
pag-iisip upang maipahayag nang maayos at malinaw ang layunin sa
pagsulat. Nangangailangan ito ng sumusunod sa tama at maayos na
hakbang o proceso na pagsulat at kinakailangang siguraduhing
makatotohanan ang mga impormasyong nakalagay o nakasulat.
Mga halimbawa ng
Akademikong Sulatin
BIONOTE

Impormatibong talata na naglalaman ng mga kwalipikasyon ng awtor at ng


kanyang kredibilidad bilang propesyonal. Ito ang maikling paglalarawan
ng manunulat gamit ang iba pang impormasyon na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay sa papel mo sa trabahong ibig pasukan.
ABSTRAK

Maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag aaral, at pananaliksik na


makikita bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersyon ng mismong
papel. Karaniwang gumagamit ng 200-250 na salita sa paggawa ng
abstrak. Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap upang madaling
maunawaan ng mga mambabasa.
KATITIKAN NG
PULONG

Naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mg mahahalagang


puntong nailalahad sa isang pagpupulong. Ito ay dokumentong nagtatala
ng mahalagang desisyon at diskusyon ng samahan. Ito ay dapat organisado
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at
mapagkasunduan.
REPLEKTIBONG
SANAYSAY

Pumapaksa sa pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan. Ito ay


naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag o suriin ang partikular na
salaysay at palutangin ang halaga depende sa layon ng manunulat.
POSISYONG PAPEL

Naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na


isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkaibamg pananaw
sa marami, depende sa persepsiyon ng mga tao.
LAKBAY SANAYSAY

Sanaysay kung saan ang ideyang nakapaloob dito ay galing sa pinutahan o


nilakbayang mga lugar kabilang ang kultura, tradisyon, pamumuhay, mga
uri ng tao, karanasan ng manunulat mula sa napag-alaman sa lugar.
AGENDA

Dokumentong naglalaman ng listahan ng mga paksang tatalakayin sa


isang pagpupulong. Mahalagang bahagi ito ng pagpaplano at
pagpapatakbo ng pulong. Nagsisilbingb gabay na nagbibigay ng malinaw
na direksyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan ng
pulong.
KORESPONDENSYA
OPISYAL

Tawag sa mga liham pantanggapan upang makapagkomunikasyon ang


pinuno at kawani ukol sa transaksyon at usaping pangko
PANUKALANG
PROYEKTO

Detalyadong description ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong


maresolba ang isang tiyak na problema at nagpapakita ng detalyadong
pagtatalakay sa dahilan ng pangangailangan sa proyekto.
MEMBERS:
GLECY ANN LAPADA
MAYBILYN JOY NAVARRA
AIGAN MICHELLE BIBAOCO
SAMANTHA ESTOYA
REZA ROJO

You might also like