You are on page 1of 3

FILIPINO SA LARANGANG AKADEMIKO

PAGSULAT NG ABSTRAK

KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK:

 Ito ay isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng komprensya.
 Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano
mangakademikong papel.

TATLONG URI NG ABSTRAK:

 IMPORMATIBONG ABSTRAK
Ito ay nagbibigay-alam sa mga mambabasa at nagbibigay ng pangunahing impormasyon mula sa bawat seksyon ngulat.

 DESKRIBTIBONG ABSTRAK
Ito ay nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin, kasama na ang pangkalahatang ideya ng
mganilalaman.

 KRITIKALNA ABSTRAK
Ito ay nagbibigay ng mga karagdagang paglalarawan ng mga natuklasan o mga impormasyon.

MGA NILALAMAN NG ABSTRAK

 Motibasyon
 Suliranin
 Pagdulog at Pamamaraan
 Resulta
 Kongklusyon

PAGSULAT NG BUOD AT SINTESIS

ANO BA KAHULUGAN NG BUOD?


Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita,
aklat,panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.

MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD:


 Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
 Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
 Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD:


 Nagtataglay ng obhetibong balangakas ng orihinal na teksto.
 Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyongwala
sa orihinal na teksto.
 Gumagamit ng mga susing salita
 Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.
MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD:
 Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.
 Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawatideya.
 Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
 Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan to ng kanyang apelyido, ng “Ang manunulat”, o “siya”.
 Isulat ang buod.

ANO BA ANG SINTESIS?


Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.

2 ANYO NG SINTESIS:
 EXPLANATORYSYNTHESIS:
Isang sulating naglalayong yulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay natinatalakay.

 ARGUMENTATIVE SYNTHESIS:
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

MGA URI NG SINTESIS:


 BACKGROUND SYNTHESIS
Nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.

 THESIS-DRIVEN YNTHESIS
Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng pagkatuon.

 SYNTHESIS FOR THE LITERATURE


Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:


 Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estruktura at pahayag.
 Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t
ibang sangguniang ginagamit.
 Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napaialalim nito ang pag-unawa ngnagbabasa sa
mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:


 Linawin ang layunin ng pagsulat.
 Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin ang mabuti ang mga ito.
 Buuin ang tesis ng sulatin.
 Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
 Isulat ang unang burador.
 Ilista ang sanggunian.
 Rebisahin ang sintesis.
 Isulat ang pinal na sintesis.

PAGSULAT NG TALUMPATI

ANO BA ANG TALUMPATI?


Isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapagkinig o audience.

DALAWANG URI NG TALUMPATI:

 IMPORMATIBONG TALUMPATI
Naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto, at iba pa.

 MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI
Ito ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.

MGA KRITIKAL NA PAGTANONG MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI:

 Pagkwestyon sa Isang Katotohanan


 Pagkwestyon sa Pagpapahalaga
 Pagkwestyon sa polisiya

DALAWANG PARAAN NG PAGTATALUMPATI:

 IMPROMPTU O BIGLAANG TALUMPATI:


Isinasagawa ang talumpating ito ng walang paghahanda.

 EKSTEMPORANYO O PINAGHANDAANG TALUMPATI


Ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan, at ineensayo bago isagawa.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI:

 Piliin ang isang pinakamahalagang ideya.


 Magsulat kung paano ka magsalita.
 Gumamit ng kongkretong salita at halimbawa.
 Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati.
 Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati.

You might also like