You are on page 1of 14

PAGSULAT NG

REAKSYONG PAPEL
Magbigay ng reaksyon hinggil sa mga pahayag mula
sa iba’t ibang bansa.

“Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang


buhay ang nagbibigay ng pag-unawa.” –Israel

Pambungad “Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw.” –


na Gawain Russia

“Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit


hindi ang dila ng tao.” –Pilipinas

“Hindi nasisilip sa tubo ng kawayan ang


kalangitan.” - Japan
Proseso o Paraan ng Pagsulat ng Reaksyong
Papel
Pagsulat ng
mga
Brainstorming Rebisyon
panimulang
pahayag

Pinal na
pagsulat
Ibat Ibang Uri ng Reaksyon Papel

Pagbibigay
ng
Personal na
kahulugan
pananaw
ukol sa
isang paksa

Pakikilahok
Masusing
o pagsang-
pagsisiyasat
ayon
Pangunahin ang mga datos kung
nagmula ito sa mga indibidwal na
tao, akdang pampanitikan, pribado
o publikong organisasyon, batas,
dokumento, at iba pang orihinal
Pagkilala sa na talaan.
mga datos Sekondarya naman ang mga datos
kung mula ito sa mga manuskrito,
ensayklopedya, magasin, diyaryo,
at iba pang aklat na nasulat na ng
mga may-akda.
Isinusulat kung tuwirang
kinopya o sinipi lahat ng
mga salita mula sa
sanggunian.
Direktang
Sipi
Ginagamit ito upang
suportahan ang katwiran,
pabulaanan ang panig ng
may-akda, at paghambingin
ang iba’t ibang pananaw.
Ginagamit kung sasabihin
muli ang nakuhang ideya o
kaisipan mula sa sanggunian
ngunit gagamitin ang sariling
salita.
Paraphrasing
Nakatutulong upang
maiwasan ang palagiang
paggamit ng direktang sipi.
Isinasagawa upang
ilarawan ang
pangkalahatang
kaalaman mula sa
Pagbubuod napakaraming
sanggunian at matiyak
ang mga pangunahing
ideya ng pinagbatayang
teksto
1. Panimula - Isinasagawa rito
ang pagpapakilala ng paksa.
Intruduksyon ito at pinupukaw
ang interes ng mga mambabasa.
Mga Marapat na pagbutihin ang
pagkakasulat nito upang
Bahagi ng mahikayat ang mga mambabasa
Reaksyong na magpatuloy sa pagbabasa
hanggang sa wakas. Ang huling
Papel pangungusap sa panimula ay ang
tesis na pahayag ng pangunahing
ideya. Inilalahad din dito ang
authorial stance o ang pananaw
ng may-akda
2. Katawan – Isinasaad dito ang
nilalaman ng teksto kung saan
Mga pinagsama-sama ang mga
kaisipang magkakasing-uri at
Bahagi ng isinasaayos ang mga kaisipan sa
Reaksyong isang makatuwirang
pagkakasunod-sunod. Ang bawat
Papel talata ay may sarling simula,
gitna, at wakas upang makabuo
ng mas malawak na kabuuan.
3. Wakas – Ito ang pinakabuod o
Mga kongklusyon ng teksto. Depende
ang haba nito sa haba ng buong
Bahagi ng teksto. Maituturing na
Reaksyong kongklusyon ang wakas kung
makapaghain ka ng mga
Papel katibayan at pangangatuwiran sa
iyong sulatin.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Reaksyong
Papel
1. Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula
na nagtatapos sa tesis na pahayag
2. Magkaroon ng malinaw na panimulang talata
3. Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata.
4. Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan
(halimbawa, direktang sipi, katotohan).
5. Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa
bawat talata para makabuo ng komprehensibong
kongklusyon.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Reaksyong
Papel
6. Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag
7. Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis na
pahayag kapag nabasa ang kabuuan ng sulatin.
PERFORMANCE TASK
Encoded. (Font Style Bookman Old style, 12 font size)
Sumulat ng isang talatang reaksyon para sa mga sumusunod
na paksa:
1. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ)
2. Pagdami ng OFW
3. Diborsiyo
4. Political Dynasty
5. Parusang Kamatayan o Death Penalty
6. Maagang Pagbubuntis ng mga kabataang Pilipino

You might also like