You are on page 1of 15

Sintesis/Buod

Buod
•Ang buod ay ang pangunahing ideya ng
isang manunulat gamit ang sariling salita
o pangungusap ng isang indibidwal. Ito
ay mas maikli sa orihinal ngunit
naglalaman ng kabuuang isipan ng
orihinal na teksto.
Sintesis
•Ang sintesis ay ang
pagsasama ng dalawa o higit
pang buod upang makagawa
ng koneksyon sa pagitan ng
isa o higit pang sulatin.
Samakatuwid, ang pagkakaiba ng buod at
sintesis ay ang sumusunod:
•Ang buod ay ginagawa upang ipakita
ang pangunahin at pinakaimportanteng
idea sa isang teksto.
•Samantalang ang sintesis ay pagsasama-
sama ng buod upang makabuo ng
koneksyon sa mga teksto.
Uri ng Buod
1. Hawig(Paraphrase) - Itinuturing ito ng mga
ilang eksperto sa pagsulat, na isang lehitimong uri
ng paglalagom(pag su-sumarize). Layunin nito na
mapalinaw ang malabong katha. Kinakailangan
ang pagiging payak at makabago sa uring ito.
- Galing sa salitang Griyego na “Paraphrasis” ibig
sabihin ay dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag.
2. Lagom o Sinopsis
- Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto
sa isang akda.
- Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
3. Presi (Precis) sa lumang Pranses na ibig sabihin
ay pinaikli.
- Ito ang Buod ng buod.
Dalawang Anyo ng
Sintesis
•Explanatory
•Argumentatib
Mga Uri ng Sintesis
1. Background Synthesis
– ito ay isang uri ng sintesis na
nangangailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang(background either patungkol sa isang
tao o lugar .) impormasiyon ukol sa isang
paksa at karaniwan itong inaayos
ayon sa tema at hindi ayon sa
sanggunian.
2. Thesis-driven Synthesis
– halos katulad lamang ito sa ng
background synthesis ngunit nag kakaiba
lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa
ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng
paksa ang kailangan kung hindi ang
malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa
tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the Literature –
ginagamit ito sa mga sulating
pananaliksik. Kadalasang kahingian ng
mga sulating pananaliksik ang
pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga
naisulat nang literature ukol sa paksa.
Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay
sa mga sanggunian ngunit maaari rin
namang ayusin ito batay sa paksa.
Paano Sumulat ng Sintesis

1. Bumuo ng plano sa organisasyon ng


sulatin - ito ay ang paghahanda ng
balangkas na naaayon nsa mga teknik sa
pagbuo ng sintesis upang maaaring gabay
sa pagsulat.
2. Pagbubuod - Ito ay paglahad ng mga ideya
na unang isaayos sa pamaraang lohikal.
3. Pagbibigay halimbawa o paggamit ng
ilustrasyon - Ito na ang isa sa pagtalakay sa
mga nalahad na ideya sa buod na kung saan
mas malalim ang pagkasulat dahil ito ay
nagbibigay ng halimbawa.
4. Pagdadahilan - Ito ay ang hakbang na kung
saan iniisa - isa ang mga ideyang napahayag
kung bakit ito mahalaga.
5. Strawman - Ito ay ang teknik na kung saan
tinatalakay ang mga kontradiksyun sa mga sa
napahayag na ideya ngunit sa huli ay
ipinapahayag din ang mga kahinaan sa
nasabing argumento.
6. Konsesyon - Ito ay ang paraan na kung
saan tinatanggap ang mga salungat na
pananaw sa nasabing ideyang inilahad.
7. Komparison at Kontrast - Ito ay ang pamaraan
kung saan inihimay - himay ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga akda o sanggunian.
8. Rebisahin ang sintesis - Pag naayos na lahat na
pwede mailahad sa sintesis, ito na ang parte kung
saan babasahin muli ang buong sulatin upang
tukuyin ang mga kahinaan o kamalian ng mga
detalye, at isulat muli para mailagay ang mga
punto na dapat baguhin.
9. Isulat ang pinal sa sintesis - Ito na ang
pagsulat sa pinal na sintesis kung saan
natapos na ang pagtugis at pagrebisa sa
naturang sulatin.
10. Inaasahang natapos mo na ang iyong
sintesis.

You might also like