You are on page 1of 17

 

 
Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis 
Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng 
Sintesis 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 2 

Alamin 4 
Kahulugan at Katangian ng Sintesis 4 
Layunin at Gamit ng Sintesis 6 
Dalawang Uri ng Sintesis 7 

Palawakin 9 
Gawain 1 9 
Gawain 2 10 

Suriin 11 

Paglalahat 16 

Bibliograpiya 16 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

Lar. 1. Ang pagbuo ng sintesis ay katulad ng pagbuo ng isang p


​ uzzle. 
 
Sa tuwing bumubuo ng isang p
​ uzzle,​ pinipili at tinutukoy natin kung anong mga piraso ang 
magkakaugnay o may koneksiyon upang mabuo ang isang larawan o imahen. Malaki ang 
pakakatulad nito sa pag-uugnay ng mga kaalaman. Marapat na matukoy ang mga ideyang 
maaaring pag-ugnayin na nagiging saligan ng isang sulatin. Subalit, paano nga ba matutukoy 
ang angkop na kaalaman na may kaugnayan sa pangunahing kaisipang nais ilahad sa isang 
sulatin? At gaano nga ba kahalaga ang ugnayan ng mga ideya sa isang akademikong sulatin?  
 
 

 
  1 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● natutukoy ang kahulugan at katangian ng sintesis bilang isang akademikong sulatin, 
at  
● nailalahad ang mga layunin at gamit ng sintesis bilang isang akademikong sulatin.  
 
Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
nakikilala  ang  iba't  ibang  uri  ng  akademikong  sulatin,  gaya  ng  sintesis  ayon  sa:  (a)  Layunin 
(b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo​ (CS_FA11/12PN-0a-c-90)  
 

Tuklasin   
 

 
     3 minuto 
 
Pag-ugnayin ang mga salitang nasa talahanayan upang makabuo ng isang pahayag tungkol 
sa pagsulat. 
 

pagsulat  kaisipan  tao  naglalahad  ipahayag 


 

midyum  kasanayan  damdamin  mensahe  wika 


 

 
 
Pagkatapos ng tatlong minuto ay humanap ng katambal at ibahagi sa isa’t isa ang inyong 
mga naisulat.  
 
 
 
 
  2 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Ano ang pahayag ng iyong kapareha?  

 
 
 
 
 
2. Ano-ano ang susing salitang iyong ginamit sa iyong pahayag?  

 
 
 
 
 
 
3. Sa pamamagitan ng iyong nabuong pahayag, paano mo ito maiuugnay sa kahulugang 
tinalakay kaugnay ng akademikong pagsulat? 

 
 
 
 
 
 
 
 
4. Sa iyong palagay, ano ang isang salita mula sa talahanayan ang maiuugnay sa maikli at 
makabuluhang pagsulat? 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  3 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
 

Alamin   
 
Ang p
​ agsulat​ ay isang makrong kasanayan na naglalahad ng kaisipan at damdaming nais 
ipahayag ng tao gamit ang pinakaangkop na mga salita upang epektibong makapaghatid ng 
mensahe. Kaya naman, ang mga uti ng akademikong sulatin ay lumilinang sa kakayahang 
makagpagpahayag nang mabisa, masinop, at mapanuri kaugnay sa iba’t ibang larang sa 
paraang pasulat. Ang isang sa karaniwang halimbawa ng akademikong sulatin ay ​sintesis​. 
Ano nga ba ang kahulugan, layunin, at gamit ng sintesis? 
 

Alalahanin 
Ang ​sintesis a
​ y isang uri ng sulatin na naglalahad ng orihinal na 
teksto sa mas maikli ngunit kompleto at detalyadong paraan. 
Inaasahang ang mga pinakaimportanteng parte ay naibabahagi sa 
pamamagitan ng ibang salita o kataga na ginamit sa mga orihinal o 
pinagbatayang mga akda. 
 

 
Kahulugan at Katangian ng Sintesis 

Nagmula ang sintesis sa salitang Griyego na s​ yntithenai ​na binubuo ng ​-syn​ na 
nangangahulugang kasama o magkasama at ​-tithenai​ na nangangahulugan namang ilagay. 
Sa kabuuan, nangangahulugan ang sintesis na sama-samang ilagay. Sa larangan naman ng 
pilosopiya, tinutukoy ang sintesis bilang bahagi ng metodong diyalektikal ni George Wilhelm 
Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.  

Kaugnay naman ng larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng 
impormasyon sa pinaikling paraan upang ang mapagsama-sama at mapag-isa ang 
magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian gaya ng tao, libro o pananaliksik ay 
mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.  

 
  4 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

Gayundin, nangangahulugan ang sintesis bilang isang uri ng akademikong sulatin na: 

● pagsasama ng dalawa o higit pang buod; 


● paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin; at  
● pagsasama  ng  iba’t  ibang  akda  upang  makabuo  ng  isang  akdang  may  malinaw  na 
ugnayan ng mga ideya.  

 
Lar. 2. Grapikong representasyon ng pagbibigay kahulugan sa pagsulat ng sintesis 

Samantala, maituturing ding isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis. Sinusuri nito ang 
mga ebidensya ng isang partikular na paksa upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo 
ng mga patakaran. Isa itong pamamaraan kung saan ang isang manunulat, akda, at/o 
tagapagsalita ay inilalahad ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kompleto at 
detalyadong pagpaliwanag pero dapat ay sa kompleto at detalyadong paraan.  

 
  5 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

Ang pagsulat ng isang sintesis ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari o hindi 
lamang basta-bastang pagbabanghay. Kinakailangang pag-aralang mabuti kung alin ang 
mga pinakaimportanteng bahagi na dapat pagsamahin. Matagumpay na naipahahayag at 
naipapasa ang mga impormasyon at detalye sa sintesis kahit hindi ito kasinghaba ng 
orihinal na teksto.   

 
Layunin at Gamit ng Sintesis 
Matutukoy na ang pagsulat ng sintesis ay ginagawa para sa mga tekstong naratibo. Ilan sa 
mga halimbawa nito ang pagbubuod ng maikling kuwento, akademikong sulatin, at iba pang 
anyo ng sulating tuluyan o prosa. Mahalaga ang sintesis sapagkat inilalahad nito ang 
kabuoang nilalaman ng isang akda sa mas mabisang pamamaraan upang maunawaan ng 
mga mambabasa. Layunin ng pagbuo ng sintesis na mabigyang-pansin ang sumusunod: 
1. Paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga pinaghanguan o 
sanggunian. 
2. Organisadong mailahad ang kabuoang nilalaman ng akda ayon sa maayos na 
pagkakasunod-sunod nito.  
3. Mapagtibay ang nilalaman ng akda o teksto at mapalalim ang pang-unawa ng mga 
mambabasa kaugnay nito. 
 

​ andaan 
T
Kinapalolooban ang ​sintesis ​ng mahahalagang impormasyon mula sa 
orihinal na teksto. Mahalaga ang organisasyon ng mga ideya sa 
pagbuo nito dahil maaaring nanggaling ang mga impormasyong 
inilalahad nito sa iba’t ibang batis ng kaalaman. 
 

 
  6 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
Dalawang Uri ng Sintesis 
May dalawang uri ang sintesis batay sa layunin ng pagkakasulat nito. Una, ang sintesis na 
explanatory​ na naglalayong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa. 
Pangalawa ay ang sintesis na a
​ rgumentative​ na naglalayong maglahad ng pananaw ng 
sumulat.  
 
Nasa talahanayan ang mas tiyak na paghahambing sa dalawang uri ng sintesis: 
 
Talahanayan 1. ​Paghahambing sa sintesis na e​ xplanatory​ at a
​ rgumentative 

  Explanatory  Argumentative 

Layunin  Ipinaliliwanag nito ang tiyak na  May isang argumento tungkol 
paksa ng isang akda o teksto.   sa paksa at 
binibigyang-katuwiran o 
pinagtitibayin ito upang 
mahikayat na sumang-ayon 
ang mga mambabasa sa 
inilalahad. 

Katangian   Nagtataglay ito ng mga  Nagtataglay ito ng mga 


totoong detalye at  opinyon na batay sa mga 
impormasyon.  impormasyong nasaliksik ng 
manunulat. 

Paglalahad   Naglalahad ng impormasyon  Gumagamit ang manunulat 


at hindi gumagamit o hindi   ng mga salitang naglalahad ng  
nagdaragdag ng opinyon o  kainyang sariling opinyon o 
pananaw sa mga ito.   pananaw tungkol sa paksa. 

Mahalagang maunawaan ang layunin ng isusulat na sintesis at kung paano makasusulat 


nang naaayon sa anyo nito. Sa kasunod na aralin ay detalyadong tatalakayin ang 
pagkakaiba ng dalawang uri na ito ng sintesis.  
 
 
  7 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

​ ​Mga Tip 
 
● Hindi madali ang sumulat ng isang sintesis lalo na kung ito ay nasa 
uring ​argumentative, ​subalit tandaan na magiging madali at mabisa  
ito kung magbabasa at mananaliksik.  
● Ang pagbasa ang pinakamainam na gawin upang makapangalap ng 
mga angkop o wastong impormasyon tungkol sa mga paksang ating 
isinusulat.  
● Mahalaga sa pagsulat ng sintesis ang pag-uugnay-ugnay o 
pagsasama-sama ng mga impormasyong nasaliksik kaya naman  
ang susi upang maraming impormasyon at madaling 
mapag-ugnay-ugnay ang mga ito ay ang kasanayan sa mapanuring 
pagbabasa. 
● Ang karanasan at kaalaman sa paksa ang pinakamabisang 
instrumento sa pagsulat. 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  8 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Pumili ng alinman sa tatlong paksa. Magbasa ng mga teksto o artikulo tungkol dito. 
Pag-aralan ang mga ito at subukang sumulat ng sintesis.  
a. Epekto ng pagpapalaganap ng f​ ake news ​sa​ social media 
b. Pagdedeklara ng W
​ orld Health Organization (WHO)​ na nasa kalagayang p
​ andemic​ ang 
buong mundo dahil sa COVID-19 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  9 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

​ ​Gabay sa Pagsagot 
● Upang maging matagumpay ang pagsulat ng sintesis, mahalagang 
magbasa at suriing mabuti ang mga susing salita sa paksa. 
Makatutulong ito upang mas mapalawak at mapadali ang 
pag-uugnay-ugnay ng mga sasaliksiking ideya.  
● Gumamit ng iba’t ibang sanggunian upang mapagtibay ang ideyang 
inilalahad. 

 
Gawain 2 
Mula sa napiling paksa sa Gawain 1, subukang sumulat sa unang pagkakataon ng isang 
sintesis na a
​ rgumentative​ kung saan mailalahad ang iyong opinyon o pananaw tungkol sa 
napapanahong paksang napili. Maaari gamiting gabay sa paglalahad ng iyong opinyon ang 
sumusunod: 
a. Paglaganap sa ​social media​ ng mga hindi totoong pahayag ng mga politiko   
b. Paraan ng pag-aksyon ng pamahalaan sa krisis na dulot ng COVID-19 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 

 
  10 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

​ ​Gabay sa Pagsagot 
● Pag-aralang mabuti ang dalawang panig na magkatunggali kaugnay 
ng paksa. Alamin ang mga posibleng argumentong ilalahad at 
talakayin at sagutin ang mga ito sa sintesis na isusulat upang walang 
maiwang tanong sa isip ng mga mambabasa. 
● Ayusin ang paglalahad ng ideya batay sa iba’t ibang argumento at 
hindi ayon lamang sa nilalaman ng bawat tekstong nasaliksik. 
 

 
 

Suriin   
 
A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag nang   
mahusay ang sagot.    

1. Paano naiiba ang pagsulat ng sintesis sa pagsulat ng isang buod? 

 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 

 
  11 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
 
2. Bakit maituturing ding isang paraan ng ebalwasyon ang pagsulat ng sintesis? 

 
 
 
 
 
 
 

 
3. Bakit mahalagang wasto o angkop ang mga sangguniang paghahanguan ng mga 
impormasyon sa bubuoing sintesis? 

 
 
 
 
 
 
 

 
4. Bakit mahalagang ilahad sa sariling pamamaraan ang sintesis at hindi lamang 
pagsama-samahin ang mga ideya mula sa iba’t ibang sanggunian? 

 
 
 
 
 
 

 
 
  12 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
5. Paano makatutulong ang pagsulat ng sintesis sa pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip 
o pagpapahayag? 

 
 
 
 
 
 
 

 
B. Sagutin ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag ang sagot 
sa sariling pangungusap.  
 

1. Sa  iyong  palagay, bakit mahalagang organisado ang mga ideyang ilalahad sa  isusulat 


na sintesis? 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 

 
  13 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang kakayahang nalilinang sa pagsulat ng sintesis? 
Ipaliwanag kung paano nalilinang ang bawat isang kasanayan sa pagbuo ng sintesis.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
3. Kinakailangan bang samahan ng malikhaing pagsulat ang pagsulat ng sintesis? 
Pangatwiranan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 

 
  14 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 
4. Paano  nakaiimpluwensiya  ang  kasanayan  ng  pagsulat  ng  sintesis  sa  pakikilahok  sa 
isang napapanahong isyu sa lipunan? 

 
5. Sa iyong palagay, paano lubos na nakatutulong ang mahusay na kakayahan sa 
pagbasa at pagsulat ng isang sintesis? 

 
 

 
  15 
 
 
Yunit 4.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis 
 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● Mahalaga ang pagsulat ng sintesis sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa at 
pagsulat sapagkat sa sintesis ibinubuod o pinagsasama-sama sa organisadong paraan 
ang mga magkakaugnay na ideya o impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian upang 
makabuo ng isang pangkalahatang kaalaman. 
● Maituturing ang pagsulat ng sintesis na isang mabisang paraan upang mabigyan ng 
ebalwasyon o o
​ verview​ ang isang akda o teksto, piksyon man o hindi piksyon.  
● Maituturing ang dalawang uri ng pagsulat ng sintesis na dalawang paraan kung paano 
sinusuri ang mga impormasyon mula sa mga tekstong binasa at hinanguan ng 
impormasyon. 
___________________________________________________________________________________________ 
 

  Bibliograpiya 
Essayagents.com. “Writing An Argumentative Synthesis Essay.”  
https://theplagiarism.com/articles/why-academic-writing-is-important   
Nakuha noong Marso 22, 2020  
 
Fontanilla, Hazel Donnabelle at Datumanong, Mark Janperson. “Sintesis” K ​ apag Nagbasa Ka,  
Matututo ka Blogspot.​ ​https://janpersonb.wordpress.com/2018/08/12/sintesis/  
Agosto 12, 2018.  
 
Jennika. “Explanatory and Argument Synthesis.” English 101 Blogspot. Oktubre 7, 2007.  
http://jennika-english101.blogspot.com/2007/10/explanatory-and-argument-synthesi
s.html​ ​Nakuha noong Marso 22, 2020.  
 
Mohinog, Arrhiane. “Pagsulat ng buod at sintesis.” Prezi. Hulyo 24, 2017. 
https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/​ ​Nakuha noong  
Marso 21, 2020. 
 
Nato, Rochelle S. “Hawig, lagom,presi,sintesis.” Oktubre 25, 2017.  
https://www.slideshare.net/RochelleNato/hawig-lagompresisintesis​ ​Nakuha noong 
Marso 21, 2020. 
 

 
  16 
 

You might also like