You are on page 1of 1

Katangian ng Abstrak

1.) Obhetibo (Sa isang layunin na hindi pansarili o biased na paraan, dapat ay mayroong batayan sa
mga nakikitang kaototohanan sa halip na damdamin o opinion lamang. )
2.) Ang haba ay karaniwang 100- 250 salita depende sa disiplina o kahingian ng palimbagan. (Kahit
mayroong mga abstrak na umaabot ng higit pa sa 300 salita ay kadalasang nirerekomenda
lamang ay isang maikli ngunit makapangyarihang abstrak sapagkat makakatulong ito sa iyong
pananaliksik na makaakit ng mas maraming mambabasa.)
3.) Lohikal ang pagkakaayos na karaniwang laman ang apat na elemento. ( Ang ibig sabihin ang
isang abstrak ay nararapat na mailarawan ang nilalaman nito sa isang malinaw at maayos na
pangangatwiran na nilalaman ang apat na elementong nabanggit ng unang pangkat, ito ay ang
tuon, metodolohiya, resulta , pangunahin at rekomendasyon ng isang pananaliksik.)
4.) Ang nilalaman ay matatagpuan rin sa pananaliksik at hindi gawa gawa lamang. ( Dahil ang isang
abstrak ay ang buod ng iyong buong papel o pananaliksik, dapat ito ay konektado sa nilalaman
ng iyong papel o katulad sa mga nabanggit na katangian kanina, dapat ay katotohanan ang
nilalaman ng iyong abstrak at hindi gawa gawa lamang.)
5.) Nauunawaan ng mambabasa. ( Kaya sa mga naunang katangian ng abstrak ay nararapat na
maging malinaw, maayos, at batay lamang sa katototohanan ang pananaliksik ay upang mas
maunawaan ito ng mga mambabasa. )

Possible Questions:

1.) Bakit kailangang maikli lamang ang abstrak?


- Dahil pagdating sa abstrak, mayroong kasabihan na “less is more”. Ang mahalagang
impormasyon lamang ang kailangan iharap rito.
2.) Bakit kailangang kumpleto ang apat na element ng abstrak?/ Bakit kailangan sundin ang limang
katangian ng isang abstrak?
- Dahil ang abstrak ang nagpapaliwanag ng bawat aspeto ng papel at tinutulugan rin ang mga
mambabasa na magpasya kung gusto nilang basahin ang natitirang bahagi ng papel, kaya
dapat sapat ang mga pangunahing impormasyon sa isang abstrak.
3.) Bakit importanteng basahin ang abstrak?
- Dahil ito ang nagbubuod kung ano ang nilalaman ng iyong buong pananaliksik.
4.) Ano ang main purpose ng isang abstrak?
- Naghahai ito ng dalawang layunin. Una, uoang matulungan ang mga potensyal na
mambabasa na matukoy ang kaugnayan ng iyong papel para sa kanilang sariling
pananaliksik. Pangalawa, upang ipaalam ang iyong mga pangunahing natuklasan sa mga
walang oras na basahin ang buong papel.
5.) Ano sa tingin mo ang pinaka importanteng katangian ng isang abstrak?
- Bagama’t mahalaga ang limang katangian ng isang abstrak, ang pinakaimportanteng
katangian ay ang ‘Lohikal na pagkakaayos na karaniwang laman ang apat naa elemento’
sapagkat ang katangian na ito ang nagbibigay gabay sa mananaliksik upang maging lohikal
ang kanyang pananaliksik at magkaroon ng maayos na daloy ang pananaliksik.

You might also like