You are on page 1of 8

Kahulugan ng Sinopsis/Buod

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na


kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay,
nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang
anyo ng panitikan. Maaari rin itong mabuo sa
pamamagitan ng isa o higit o maging ilang
pangungusap lamang. Mahalaga na gamitin
ang sariling salita sa pagsusulat ng synopsis.
Mga Dapat Tandaan at
Isaalang-alang sa
Pagsulat
● Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa
ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

● Gumamit ng ikatlong panauhan sa


pagsulat nito.
● Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.

● Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa


pagsulat.

● Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang hinaharap.

● Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda
Mga Katangian
1.Nagbibigay ng background at pananaw hinggil sa
isang paksa.

2. Naglalarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa


sanggunian tungkol sa paksa.

3. Dinedetermina ang pangunahing ideya ng


pinagbatayang teksto
Mga Hakbang sa Pagsulat
1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unwaing mabuti hanggang
makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang panginahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o


kuro-kuro ang isinusulat.

5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na
buod
Mga Bahagi
Isang Libo’t Isang Gabi (Thousand and
One Nights)
Nobela - Saudi Arabia
Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera
Sinopsis: Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig
maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng kaniyang asawa. Dahil sa
katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa
isang lalaking mas bata sa kaniya.

Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking inibig. Gumawa siya ng paraan upang
mapawalang bisa ang paratang dito at mapalaya. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang
kapatid at lubhang mahal na mahal sa kaniya.

Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong. Ang lima ring ito ay umibig sa kaniya dahil sa angkin
niyang kagandahan at sa maamo nitong mata habang nakikiusap. Matutulungan lamang siya kung
ibibigay at ipagkakaloob niya ang kaniyang sarili.
Sa takot na makulong nang habambuhay ang kaniyang lalaking iniibig,at sa pananakot ng mga
lalaking hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng
iniibig. Nagtakda siya ng iisang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya. Sa

sarili niyang bahay magaganap ang hinihiling ng mga ito.


Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe ng pulisya, si Cadi,si Vizier, ang hari at ang karpintero sa
kaniyang bahay.
Isinagawa ng babae ang balak na gagawin sa mga nagsidating.

Ano ang gagawin ng babae para hindi magkita-kita at magkasakitan ang limang lalaking ito na nais
niyang pagbigyan kapalit ng kalayaan ng lalaking iniibig?

Paano niya patutunayan na ang paratang sa kaniya bilang masamang asawa ay mali? Siya pala sa
kabila ng lahat ng ito ay matapat at mabuting asawa?

You might also like