You are on page 1of 7

Parabula ng Sampung Dalaga

Israel:
bansa sa Kanlurang Asya na kabilang sa tinatawag na Rehiyon ng Mediterranean.
“Holy Land o Banal na Lupain”, hindi lamang ng mga Kristiyano kun’di maging ng
mga Hudyo, Muslim, at mga Baha’i.
Lungsod ng Herusalem, namuhay at nangaral si Hesus. Ang marami sa mga
parabulang ginamit Niya sa pangangaral ay sa lugar na ito ang tagpuan.

Kahulugan ng Parabula:
Sa Parabula ng Sampung Dalaga, binigyang-diin ni Hesus ang kahalagahan
ng kahandaan ngmga manananampalataya sa Kanyang pagbabalik. Kailangang
manatiling may langis ang ating mga “ilawan” sapagkat hindi natin alam ang araw o
ang oras ng Kanyang muling pagparito.

“Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan


nating maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras man
ng Kanyang muling pagpaparito.”
-Hango sa Mateo 25: 1-13
Buod:
Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng
dalagang ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang
mangingibig. Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan. Matapos ang
kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang magiging
tahanan.
Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi at iyon ay
dumating na. Sa labas ng tahanan ng ikakasal ay sampung dalagang may dala-
dalangilawan ang itinalagang maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima
sa mga ito ay matatalino. Inasahan na nilang maaring maantala ang pagdating nila.
Ang lima naman ay mga hangal sapagkat hindi sila nagbaon ng karagdagang langis.
Naghintay na nga sila ng sobra hanggang sa nakatulog na ang mga ito.
Dumating na nga ang mga ikakasal ngunit ang ilawan ng mga hangal ay aandap-
andap na. Humingi naman sila ng tulong sa ibang dalaga ngunit sapat lamang ang
mga ito sa kanila. Bumili sila agad ng langis na siya namang pagdating ng ikakasal.
Kaugalian kasi na ang mga nasa labas pagadating ng ikakasal ang tanging
ipapapasok sa loob upang maiwasan ang pagpasok mga taong hindi imbitado. Sa
pagdating mga mga hangal na dalaga ay nasaraduhan na ang mga ito.
Si Anne ng Green Gables
Lucy Maud Montgomery:
Kilala rin bilang “L.M Montgomery”
Isinilang sa Clifton, Prince Edward Island sa Canada noong Nobyembre 30, 1874 at
lumaki sa kanyang lolo at lola sa Cavendish, Prince Edward Island.
Isinulat at inilathala ang nobela noong 1908.
Ang pinakatanyag na nobelang ito ay bumenta ng mahigit 50 milyong sipi at naisalin
sa 20 wika.
“May magkapatid na matatandang babae at lalaki na gustong mag-ampon ng batang
lalaki ngunit nagkaroon ng isang pagkakamali at isang batang babae ang naipadala
ng ampunan”. Mula rito’y nabuo ang nobela tungkol kay Anne na nasundan ng pito
pang nobela tungkol sa naging buhay ng kanyang bida nang magkaedad hanggang
sa maging isang ina.
Buod from google
May dalawang magkapatid na nangangalang Marilla at Matthew na naninirahan sa kanilang
sakahan, ang Green Gables. Dahil matanda na sila, walang asawa’t walang anak, ay
naisipan nilang umampon ng isang batang lalake na makakatulong sa kanila magtrabaho sa
kanilang sakahan.
Ngunit, sa paghihintay ni Matthew sa istasyon ng tren para sa kanilang inampon na bata,
isang batang babaeng edad labing isa, may pulang buhok, lumang bagahe at maduming
damit ang dumating, imbes na sa isang lalaki. Siya ay si Anne Shirley.
Dahil sa pagiging madaldal at kagandahan ng ugali ni Anne ay sinabi ni Matthew kay Marilla
na kung pwedeng kupkupin na lamang nila ito. Sa una’y nag-alangan si Marilla ngunit sa huli
ay sumang-ayon na siya. Si Anne ay isang napakamasiyahing bata kahit na siya ay ulila na.
Siya ay positibo, mapagbigay at napakalawak ng imahinasyon. Nung una’y wala pa siyang
naging totoong kaibigan bago pa siyang pumunta ng Green Gables.
Ngunit, isang araw ay nakilala niya si Diana Barry at sila ay naging matalik na
magkaibigan. Sa eskuwelahan ay may isang lalaki na nagngangalang Gilbert Blythe na
lubos na kinaiinisan ni Anne sapagkat lagi nitong inaasar si Anne tungkol sa kanyang pulang
buhok. Sinisigawan ni Anne si Gilbert sa tuwing hinihila niya ang tirintas nito. Ito ang naging
simula ng kanilang matinding tunggalian laban sa isa’t-isa.
Sa paglaki ni Anne ay mas lalo siyang nagiging seryoso patungkol sa kanyang pag-aaral.
Napansin siya ng kanyang guro na si Bb. Stacy dahil sa kanyang talino at hinihikayat niyang
sumali sa isang grupong naghahanda para sa isang entrance exam sa Queen’s Academy.
Dahil sa kanyang pagpupursigi ay nakuha niya ang Avery Scholarship na kung saan ay
magkakaroon siya ng pera upang makapag aral sa isang apat na taong kurso sa kolehiyo.
Bitbit ang magandang balita, umuwi si Anne sa Green Gables upang masabi ito kela
Matthew at Marilla. Ngunit, sa pagdating niya, naabutang inatake sa puso si Matthew at
pumanaw na. Nang malaman din ni Anne na halos bulag na si Marilla ay napagdesisyonan
niyang manatili nalang sa Green Gables, alagaan si Marilla at isuko na lang ang kanyang
scholarship.
Nang mabalitaan ni Gilbert ang pangyayari, isinuko niya ang kanyang trabaho bilang isang
guro upang makuha ni Anne ang puwesto niya. Sa huli ay naging matalik na magkaibigan
sila Anne at Gilbert. Si Anne naman ay nanatili paring positibo patungkol sa kanyang
hinaharap.

Pagsusuring Pampanitikan
- isang uri ng pansing pampanitikan
- isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
- Ang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
malikhaing manunulat at katha.

2 Mahalagang Sangkap:
1. Pagbabasa
Proseso ng pag-iisip at ito’y prosesong interaktibo
Lapp at Flord, 1978
• paraan ng pagkilala ng malilimbag na sagisag at pagbbigay kahulugan nito
Dr. Lydia P. Lalunio, 1985
• proseso na nangangailangan ng pag-iisip, pagpapahalaga, pagpapasya,
pagwawangis, at paglutas ng suliranin
Lorenzon et al. 1997
• tiyak at madaliang pagkilala ng ayos at pagkakasunod-sunod ng mga salita,
pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan

2. Pamumuna/Pagsusuri
• ito’y pagbibigay nang mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa
nabasa at ginagamitan ng talas ng pagiisip.
• pagsusuring pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa
• pagbibigay ng balance at makatwirang pamumuna sa pamamagitan
ng pagbanggit ng mga positbo at negatibong punto sa binasa
• walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinapahayag
ang pagsang-ayon at kung nararapat tumutul ay ipinahihiwatig ng
pagtutol.
• Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat
• Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda
• Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa
ikaliliwanag at ikagaganda nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang
balyus.
Diksiyunari ng Wikang Filipino, 1998
• Sining sa paggawa ng mga pagpasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ng
mga kanais-nais na katangiang kapintasan, kamalian o pagkukulang
Batayan sa Pagsusuri
1. Liwanaging Mabuti kung anong uri ng kanta ang sinusuri kung ito’y nobla,
maikling kuwento, tula o dula
2. Basahin ito nang masinsinan at igawa ng lagom. Ito ay ang buod o nilalaman,
kung ganoon maikili lamang ang lagom.
3. Bigyang halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang istilo o paraan ng
pagkakasulat ng kanta
4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha mag-ukol din ng
karampatang pagpapakahulugan
5. Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang panunuri
(magsaliksik ayon kay)
6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasiyahan nang walang lakip na
batayan o patunay
7. Kailangang nababatay rin ang anumang pagpapasiya sa takdang
pamantayan, bagamat maaaring isama rin ang sasriling pagkilala ng sumsulat
ayon sa matapat niyang paniniwala
Kahalagahan ng Pagsusuri
1. Nalilinawan sa layon ng awtor sa pagsulat ng akda
2. Nakikita kung mahusay ang pagkakasulat ng akda
3. Naliliwanagan sa mga salita, matatalinghagang mga pahaya, ang mga
ginamit na pahiwatig, ang mga damdamin at layuning napapaloob sa akda.

Balangkas ng Pagsusuri
I. Panimula
II. Pamagat ng Katha
a. May-akda
b. Mga tauhan
III. Buod ng Katha
IV. Pagsusuri
a. Uring Pampanitikan
b. Istilo ng Paglalahad
c. Sariling reaksyon
1. Tauhan
2. IStilo ng Awtor
3. Galawa ng Pangyayari
d. Bisang Pampanitikan
1. Bisa sa Isip
2. BIsa sa Damdamin
3. BIsa sa Kaasalan
4. Bisa sa Lipunan
V. Teoryang Pampanitikan

NILALAMAN
1. Pamagat
- makikita rito ang kahulugan ng pamagat ayon sa una mong pagkabasa,
pagkaunawa o ideya. Pagkatapos ay lalapatan muna kung ano ang tunay na
kahulugan o koneksyon pagkatapos mabasa ang akda.

2. May-akda
- Ang awtor ng akda ang mababasa dito. Ang mga ilan sa nakapaloo ay kalian
ipinanganak, mga achievements, iba pang librong/nobelang nailimbag. Pretty
mych about the author itself.

3. Mga Tauhan
- Usually, mga karakter sa nobelang nabasa. Mas maganda kung lahat ng roles
ay nakasulat dito. Bawat karakter ay may paunang ideya about sa kung sino
siya at ano ang gagampaning papel sa nobela

4. Buod
- Maikli lang to dapat. Kailangan mung unawaiin ang nobela at tsaka gawan ng
sariling pagkabuod.
- 15-20 sentences

5. Uring Pampanitikan
- Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito:
Uri ng tula
Uri ng Maikiling Kuwento
Uri ng Dula
Uri ng Nobela etc.

6. Istilo ng Paglalahad
- Kumbensyonal o flashback. Paano isinulat ng awtor ang nobela in the way
ban a ikwekwento ang nakaraan or the normal flow of the story.

7. Sariling Reaksyon
- Magbibigay ng sariling opinyo sa nobela. Tauhan, awtor, galawa etc. Dito na
pwedeng haluaan ng sarili mong pagpapakahulugan or opinyon so walang
mali dito but, make sure na tama at matalinong opinyon hindi malilihis sa
nobela.

8. Istilo ng Awtor
- Paraan ng paglalahad ng awtor; may kaguluhan ba o maayos;
wika/pananalitang ginamit
- Basically, the physical characteristic ng nobela, hindi ka magbibigay ng puna
sa inner part or nilalaman. Yung language, paano ba inilahan ng awtor,
payapa/magulo/maayos ba ang pagsasalaysay.

9. Galaw ng Pangyayari
- Paano nagsimula, simula-gitna-wakas or wakas-simula-gitna
- Mabilis ba ang flow ng story at madaling maunawaan. Ito ba yung normal na
pagsasalaysay yung simula hanggang wakas or reverse

10. Bisang Pampanitikan


Bisa sa Isip
- ano ang naiwan sa iyong isipan
Bisa sa Kaasalan
- ano ang mga gawi, asal ng tauhan na magagaya ng mambabasa
Bisa sa Lipunan
- ano ang maidudulot ng binasa sa lipunan

11. Teoryang Pampanitikan


- Paglalapat ng iba’t ibang dulog
- Dito na papasok kung anong dulog ang ginamit dami nito siguro mga 12 dulog
e.g Realismo, Romantisismo, Sosyolohikal etc.

TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Moralistiko
- Disiplina, moralidad at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla
2. Sosyolohikal
- Kalagayan ng lipunan at uri ng mga taong namamayagpag sa panahong ito
3. Sikolohikal
- Takbo o galaw ng isipan ng manunulat o ng tao.
- Antas ng pamumuhay, paninindigan, paniniwala, pagpapahalaga, ideya o
kaisipang naglalaro sa isipan at kamalayan
4. Formalismo
- Binibigyang pansin ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda
nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon at maging sa
pagkatao o katangian ng may-akda
5. Imahismo
- Umusbong noong dekada 1900
- Laganaap ang Romantisismo at nailunsad ang imahismo na nagpapahayag
nang malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal.
6. Humanismo
- Kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay. Higit sa tao kaysa sa
anumang bagay
7. Marxismo
- Teorya ni karl Maz tungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa buhay at ang
implikasyon ng sistemang kapitalista sa ating lipunan
- Tunggalian sa pagitan ng dalawang malakas at magkasalungat na puwersa o
kapangyarihan. Naaapi ang mahihirap at manggagawa hindi lang sa panitikan
maging sa tunay na buhay
8. Arkeptiko
- Huwaran ang ginagamit
- Nangangahulugang “modelo”
9. Feminismo
- Kalagayan ng kababihan at ang pagkapantay-pantay ng kalagayan ng
kababaihan at kalalakihan sa lipunan. Labanan ang diskriminasyon,
exploitation, oppression, at stereotypes sa kababaihan
10. Esksitensyalismo
- Malayang magpasiya para sa sarili
- Mapalutang ang pagiging indibidwal
- Hindi maikahon ng lipunan
11. Klasismo
- Kahalagahan ng katwiran at pagsusuri
- katotohanan, kabutihan at kagandahan
- Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod-sunod,
hangganan
12. Romantisimo
- Kilusang pansining pampanitikan sa Europe
- Indibidwalismo kaysa kolektibismo.
- Rebolusyon kaysa konserbatismo
- Imahinasyon kaysa katwiran
- Likas kaysa pagpipigil
- Lumutang ang damdamin kaysa kaisipan
13. Realismo
- Katotohan ng buhay
- Pangyayari sa tunay ng buhay

You might also like